Nigel Ross Alcantara's POV
Ako si Nigel Ross Alcantara o si Niro sa pagkakakilala nyo.
Para sakin, patapon lang ang buhay ko.
Hindi pwede lahat ng gusto ko. Hindi ko makuha yung mga bagay na tingin ko dapat para sakin.
Ang hirap maging masaya sa kasayahan ng iba lalo na kung alam mo naman na dapat ikaw ang masaya dahil sa bagay na yon.
Minsan naiisip ko na walang kwenta ang buhay ko. Na bakit pa ba ko nag-exist sa mundong 'to kung hindi naman din pala pwede ang mga gusto ko. Nakakaloko.
"Niro, eto si Tasyo. Shakehands kayo." Utos ni Roni pagkadating nya sa harapan ko.
May kasama syang malambot na batang lalaki na parang kaedad lang din naman namin.
"Hellow Nirow. Hihi. Kruxx keta po." Napangiwi nalang ako sa panimulang pagbati nito sakin matapos nyang abutin ang kamay ko.
Psh. Halatang-halata ang pagkabinabae nya dahil sa suot nyang makulay na hairclips.
Ang kyut nya lalo na at nakangiti pa sya ng mala-anghel. May kakaiba akong naramdaman matapos nyang palobohin ang magkabilang pisngi nya.
"Bitaw na, Tasyo. Ako gusto mo diba?" Napabitaw ako kay Tasyo ng bawalin sya ni Roni.
"Done na ko sayo, ngayon wala na finish na. Mas layk ko syang kakambal mu. Ampogi den!" Matinis na hiyaw nya pa na kinatawa ko ng mahina.
Nakita ko pang namula sya non tapos nagtatakbo na sya pauwi sa bahay nila. Mas naging kyut sya sa pagtakbo nya dahil hinabol sya ng aso non. Haha.
"Since you're already at your legal age, I think this is the right time para sabihin ko 'to sayo. Niro my son, our company is in a big problem and the only way to save it is for you to marry the Buenavista Corp's only heiress." Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
"Why me?" Hindi ako makapaniwala na ako ang pinapain nya sa sitwasyong 'to.
"Only you can help me with this. Barbie likes you and--"
"But Dad. I don't like her. I like someone else and--"
"No buts. We'll make a deal with the Buenavista's whether you like it or not."
This arrange marriage thing is my worst nightmare. It totally changed my life. I already have my plans at sobrang layo nito sa mga plano kong 'yon.
"Hey Niro, can you pick me here sa bar? Hihi I'm so drunk na kasi and I can't go home by myself dahil baka may something dangerous na mangyari to me. Huhu." Si Barbie. Ni minsan hindi ako nakaramdam ng pagmamahal para sakanya.
No one can replace his place here in my heart. No one can change my feelings for him.
"Kuya Niro. Bigay mo nga kay Tasyo 'tong invitation ng 18th birthday ko. Pleaseee." Ilang beses akong napailing dahil sa utos na 'yon ni Aqua.
Palagi kong iniiwasan na mapalapit kay Tasyo. Nahihiya ako sakanya pero kasi gusto ko din namang mapalapit sakanya. Ugh! Ang gulo. Nakakainis!
"Magiging masaya si Aqua kapag nagpunta ka." Ilang beses kong pinagpraktisan na sabihin sa harapan ng salamin ang maigsing sentence na yan.
Pigil na pigil din ako sa sarili kong mautal lalo na't nakatitig pa sya sakin.
He gave me a smirk na ikinawala ng puso ko. Buti nalang hindi nya narinig ang malakas na pagtambol nito mula sa ribcage ko.
BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
JugendliteraturSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...
