Extra

62 24 0
                                    

Dear Dhayariya? Or Dhiaria?

Aish! Hello Dhiaria! Nice meeting you, and yes it's me, the one and only girlfriend of my boyfriend. Kilala mo ba kung sino? Si Tasyo babe! Charan!

Meron nga pala 'kong good news sa diary niya na nagngangalang Dhiaria. At ang good news ay ako ang magiging private nurse ni Tasyo babe ngayon. Pwede na ring forever. Bakit?

Hihi! May lagnat kasi ngayon si Tasyo babe. May napagtanto lang ako. Ang gwapo gwapo niya pala talaga kahit na bagong gising. Mas gwapo pa kaysa mga pictures na binibigay sa 'kin ni Kuya Roni kapag nagpupunta siya dito at pasimple niya 'tong kinukuhanan ng litrato.

Babasahin ko sana yung ibang nakasulat sa mga pahina mo, kaso nabasa ko yung warning sa first page. Yung warning na hindi pwedeng magbasa kapag walang abs or bilbil.

Aww! Ayokong magalit sa 'kin si Tasyo babe ko kaya hindi ko syempre susuawayin yon. Siguro nagtataka ka ngayon kung paano kita nasusulatan atsaka sa kung paano kita nakuha sa taguan mo.

Haha! Kinalikot ko lang naman 'tong kwarto nya at boom! I saw you na. Hahaha! Sobrang saya ko.

Pero nagtataka 'ko kasi ba't kulay pink yung kulay mo? Atsaka bakit yung pangalan mo nalalapit sa pangalan ng gamot sa pagtatae? Pero maganda para sa 'kin yung name mo kasi si Tasyo babe ko 'yong nag-isip.

Dhiaria, may sasabihin ako sayo. Just wanna share my thoughts since friends na tayo. We're already friends, right? Okay, good girl. Haha. Pero I'll share my thoughts nga, wag kang sasagot ng sml please lang. E' kasi ano kanina nag I love you sakin si Tasyo babe ko. So, yon pinuntahan ko siya agad-agad dito sa boarding house niya dahil baka kasi may sakit lang siya kaya niya nasabi 'yon.

Kasi ang sabi niya sa 'kin sa pagkakatanda ko ay 'Gaga, sasabihin ko lang 'yon sayo kung may sakit ako.' Ang pogi ng pagkakasabi niya non. Ang hawt niya.

Kaya nga nagpunta ko dito ngayon. Tapos pagkadating ko dito may sakit nga talaga siya. Ang galing ko.

Pero ba't pakiramdam ko ako yung may sakit, Dhiaria? Ganon ba talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao? Kasi kung ganon ang saya naman pala. Sobra talaga! Nabalitaan mo na ba na ipapakilala ko si Tasyo sa buong angkan namin this weekend. At sobrang excited na ko.

Masaya 'ko dahil nung sinabi ko sakanya 'yon, sinabi nya rin sa 'kin na excited at sobrang saya din daw nya. Btw, I will take care of my one and only boyfriend na. Babay!

Ps. Uwahhh! Ang pogi ng Tasyo babe ko. Para siyang model. Sa totoo lang bagay talaga siya bilang model. With those wide shoulders, those nakakapanglaway na muscles. His abs. Pwede talaga siyang model ng bench underwear. Rawr.

Pps. Joke lang. May saktong pangagatawan lang ang Tasyo babe ko at happy ako kahit wala siyang nakakapanglaway na muscles and abs. Hindi rin wide shoulders niya kaya wag mo na siyang pagpantasyahan, sisipain kita. Hmp.

Ppps. Ang dami ng p pero si tasyo pa rin ang gusto ko. Para siyang anghel. Ihh. Namumula na 'ko. Tama na 'to.

Tasyo's girlfriend/Private nurse,
Aqua *hart hart*

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon