Tasyo 3

75 36 19
                                    

Dear Dhiaria,







Ouch daw sabi ng puso ko. Kasi naman ang sakit sakit ng nalaman ko ngayong araw na 'to. 





Si Chaka doll at si Niro my ultimate love of my life daw ay in a relationship na.







Nung una okay lang sa pandinig ko yon dahil alam ko namang sadyang tsismoso at tsismosa lang talaga ang mga estudyante sa university na kahit konting galaw mo lang may malisya na agad para sakanila.







Ako nga at si Aqua nagkaroon ng tsismis na may relasyon. 







Duh! As if naman na papatulan ko ang babaitang yun. Super disgusting nga non.







At alam mo kung anong mas lalong kinainis ko? Aba! Kaya pala sobrang tuwang-tuwa siya ng sinabi niya skain 'yon ay dahil siya pa pala mismo ang nagpakalat. 









Pero di rin naman nagtagal yung tsismis na yun dahill agad ding binawi ni Aqua.







Tinakot ko kasi sya na lilipat ako ng ibang school at hindi nya na ko makikita pa kapag hindi nya binawi yung tsismis na ipinakalat nya sa buong university.







At naniwala naman ang gaga na aalis nga talaga ko kung hindi nya 'yon gagawin. 







Para namang gagawin ko talaga 'yon. 







May utak padin naman ako para mag-isip ng tama, Dhiaria. 







Ba't ako aalis sa university na 'to kung scholar lang ako?







Sinong matino ang gagawa non? 







Sabagay kung si Aqua ang nasa kalagayan ko ngayon for sure gagawin nya talaga 'yon. 







Puso ang pinapairal kesa sa utak.







Ouch, Dhiaria! May tumama yata sakin. 







Bumalik yung sinabi ko sakin. 







Ang hirap paniwalaan na sila ng dalawa. Ang hirap paniwalaan na mahal pala nila ang isa't isa. 







O baka ginayuma lang ni barbie the chaka doll si Niro my love of my life ko. No way! This can't be happening. Dhiaria, kailangan kong gumawa ng paraan para maghiwalay sila. Walang forever. Kapag sa kanilang dalawa walang forever. 







Hindi naman bagay ang chaka sa fafa diba?! Dhiaria, kumampi ka sakin kahit ngayon lang kasi kung hindi baka mawala ako sa sarili ko at masunog kita ng wala sa oras.







Kanina nga palang umaga may nagtext sa 'kin tapos ang sabi niya pa "Hi kuyang gwapo. Tingin ka sa likod mo please" 







Nabwisit naman ako dahil sa tinawag nya kong kuyang gwapo sa text kaya mabilis akong tumingin sa likod ko kaso ang hirap lang, 'di ko kaya. 







Mahirap kayang tignan ang sarili mong likod. Chos! May sumunod pa ulit siyang text at ang sabi niya naman "Napaka masunurin mo tlga babes. Kaya lab kita."







Yan ang text niya na nasundan pa ng... 







"Ano ba 'yan ayaw mong magreply. Siguro wala kang load 'no. Hshshs! Kawawa ka naman sige loloadan nalang kita ng bente pesos" Naisip ko na baka trip niya lang siguro akong bwisitin kaya 'di ko nalang pinansin.







Napa-oh wow nalang ako ng makita ko ang bagong dating na text. Galing sa autoloadmax ang text at ang sabi ay "₱500.00 prepaid credits was loaded to ur mobile# 09876543210 by 09452716794" Ang dami sigurong pera ng nag-load nito sa 'kin. 







Madali ko na siyang mapapatawad sa pagtawag niya sa 'kin ng kuyang pogi. Nagregister naman ako aga, Dhiaria tsaka ako nagtext sakanya ng "Isa kang hulog ng langit. Salamat sa kabutihan. Hinihiling ko na madagdagan pa ng limang taon ang buhay mo. Tsaka nga pala kung magtetext ka man ulit ay 'di na ko magrereply sayo. Sige." 







Pagkatapos kong i-send ay nagready na ko sa pagpasok ko sa school.







Masaya kong pumasok sa school kanina tapos ang dadatnan ko pala ay ang tsismis nayun. Tsismis na totoo pala.







Sa totoo lang, wala talaga 'kong balak na maniwala kasi nga hindi ko talaga kayang paniwalaan 'yon kaso dumaan kanina sa newsfeed ko yung status ni chakang barbie na in a relationship na sila ni Niro. Haha react pa nga sana ang ilalagay ko kun'di ko lang nakita na naka-heart react si Niro. Nakakapanlambot.





Ang sarap umiyak non, Dhiaria pero mas pinili ko nalang na pigilan dahil nasa room ako at ayoko namang umiyak sa harap ng mga kaklase ko.







Totoong mahirap maging masaya sa kung saan masaya ang taong mahal mo 'no? Pero masaya ba talaga si Niro? I don't think so. Psh.







Ubos na yung tissue ko. Kakabili ko palang kanina tapos ubos na agad. 







Titigil na nga lang muna ako sa pag iyak at matutulog nalang.







At nga pala bukas na yung birthday ni Aqua.







Di na 'ko nag-abalang bumili pa ng regalo dahil 'di naman ako pupunta. Narealized ko lang na hindi ko pala kayang isayaw ang babae na 'yon at for sure makikita ko pa ang chaka doll nayun kaya para iwas stress ay 'di na talaga ako pupunta.








Nasasaktan ngayon,
   Tasyo~

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon