Tasyo 7

55 26 14
                                        

Dear Dhiaria,







Mababaliw na ko! 







I can't take this anymore, kanina ko palang sinagot si Aqua pero gusto ko na agad makipag-break sakanya.







Sinabi ko na nga sakanya kanina after 10 minutes magmula ng sagutin ko siya na mag cool-off na muna kami.







Pero ang gaga sinagot ba naman sakin na ayaw niya daw at mas gusto niya ang warm on.







Sa sobrang daldal at kakulitan niya pakiramdam ko mababaliw na 'ko. 







Nga pala nandito siya sa boarding house ngayon.






Ewan ko ba, pagkadating na pagkadating ko dito e' nandito na agad siya sa loob.







And I don't really know kung paano niya nai-duplicate yung susi ng kwarto ko. At eto pa Dhiaria, may mga dala-dala siyang isang maletang mga damit at kung ano-ano pang gamit niya na itago ko daw dito sa room ko.







Nung nakita ko nga pala siya dito sa kwarto pagkapasok ko ay nakita ko rin ang sangkatutak na mga kalat na siya raw ang naglagay. 







Yes! Proud pa talaga siya n'yan.







At kasabay ng pagpasok ko ay ang pagsabi niya ng 'Happy 3 hours, 5 minutes and 45 seconds Tasyo ko!' Ewiee lang diba? At sobrang nakakaimbyerna pa.







Nakakasuka grabe! Pero syempre para kunwari masaya 'ko sa mga nakita ko e' ngumiti naman ako.







And by just my smile, he collapsed on the floor while wearing her stupid smile. Like duh! Kaloka! Sa ngiti ko lang hinimatay na siya agad?







Hanggang ngayon, eto tulog pa rin ang babaita. At tulo laway pa. 







Kaya walang pumapatol sa babaeng 'to. Kita mo yan, Dhiaria? Tulo laway na nga ang likot-likot pang matulog. Pinaglihi yata sa kiti-kiti.







Eto pa Dhiaria, hindi siya marunong mag-ayos ng sarili niya. Ugh! Buti nalang talaga at nagde-debut ang mga babae. Dahil kung wala baka hindi mararanasan at matututunan ni Aqua ang maligo. 







Wait! Parang iba na yata ang amoy ni Aqua ngayon.







*Sniff*







In all fairness! Di siya amoy putok at pawis--jok lang. Hmm? Pero nagulat pa rin ako kasi hala sya! Nagdadalaga na talaga si ati! Akala ko kasi 'di uso sakanya. Medyo nagpapabango na siya ngayon at mukhang pinabula niya talaga ng mabuti sa buhok niya yung shampoo niya. Ang sarap lang singhotin. Hehe.







Gabi na pala, Dhiaria. Gigisingin ko na si Aqua para makatulog na rin ako.










Ps. Mapicturan nga muna si tulo laway.








Pps. Parang ang gandang tawag non?   Tulo laway   \(^_^)/






Tunay na henyo,
   Tasyo~

Diary Ni TasyoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon