Tasyo 33

15 6 0
                                    

Dear Dhiaria,








Niro was right.







Hindi ko nga talaga makakalimutan tong araw na 'to.








Hindi ko alam kung ganon ba kasama yung nagawa ko kay Aqua kaya ganito kalala yung balik sakin.









Ang sakit-sakit.









Bakit ako?! Bakit kailangan ako lagi yung nasasaktan? Bakit kailangan pa 'tong mangyari sakin?









Dhiaria, naniwala ako sakanya. Kay Niro. Naniwala ako na gusto nya talaga ko. Pero hindi pala.








Nakakatawa diba? Sobrang tanga ko ba na naniwala ako nung sinabi nyang gusto nya ko?











Pagdating ko sa meeting place namin, sobrang lapad ng ngiti na sinalubong ko sakanya.








Pero wala syang emosyon non. Nagtaka ko kasi sobrang laki lagi ng ngiti na pinapakita nya sakin.









Lumapit ako sakanya asking  'May problema ka ba, Niro?'








Dahan-dahan syang umiling pero kita ko na nangigilid na yung luha nya. Alam kong may mali.









Hinawakan nya ko sa magkabila kong kamay 'Naniniwala ka ba na talagang gusto kita?' Tumango ako bilang sagot.








Napuno ako ng pagtataka kasi bigla syang tumawa. It's so weird kasi umiiyak sya habang tumatawa.








'Bakit ka ba umiiyak?' Binitawan nya ang kamay ko para punasan yung mga luha nya.










'Eto ba? Tears of joy lang 'to. Kasi uto-uto ka e.' Medyo hindi ko yon nagets. Loading...









'Tingin mo ba, magkakagusto talaga ko sayo, Tasyo? Sa katulad mo? Haha! No way!' Parang tumigil lahat ng taong nakapaligid samin sa paningin ko.









Mali yata ng scene na nailagay? Mali ba? I check nyo naman!








'Tama ka lang ng rinig, Tasyo. Tama lang kasi hindi naman talaga kita gusto.' Ramdam ko ang panggigilid ng luha ko.








Ayokong umiyak. Pero hindi ko kayang pigilan 'to.








'Sira ka ba?! Mabubura yung foundation ko, Niro. Wag mo kong paiyakin.' Pinilit ko pa din syang ngitian kahit na ang sakit sakit na ng dibdib ko.








'Sinabi ko lang na gusto kita para gumanti sayo. Sinaktan mo si Aqua, diba? Yung prinsesa namin. Alam mo ba kung gano kalakas ngumawa yon? Alam mo ba kung gano ka nya kamahal? Kung gano sya ka obsessed sayo? Yung bibig nya, walang ibang lumalabas don maliban sa pangalan mo. Nakakairita na nga minsan dahil parang hindi nya kayang mabuhay kung wala ka. Yung para bang ikaw ang buhay nya. Pero sinaktan mo sya. Kaya dapat maramdaman mo din yon. Ano? Masakit ba, Tasyo?' Mahaba yung sinabi nya. Hindi ko ganong naintindihan dahil loading pa din ako dun sa kanina nyang sinabi.








Pero ang naiintindihan ko lang sa nangyayari. Hindi nya talaga ko totoong gusto.









Oo, masakit nga. Madaming beses na kong nasaktan ni Niro.








Hart ko, ano bang trip mo sa buhay? Bakit wala kang kadala-dala kay Niro? Simula pa lang ng istorya ko, pinaasa nya na ko.









Psh. Bat ba kasi naniwala ako? Tanga ka din kasi, self. Isa kang istupeyd.










At pahabol pa nga pala, Dhiaria.









Ngayong araw na 'to. Hindi lang si Niro ang nawala sakin.








Nawala na din si Anastacia.









Hindi sya na-tsugi. Kinuha lang sya ng ex-supplier/ ex-tatay nya. Ayoko i-mention name non.










Pero naisip ko. Bakit ba sinaktan ko yung tao nayan?









Bakit hindi ko agad naappreciate yung mga ginagawa nya noon?








Bakit ba ang dami kong tanong sa entry na 'to?










At bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawala-wala pa?










By Michael Pangilinan.










Hmp!











Palatanong na slow,
Tasyo~

Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon