Tasyo 24

21 9 0
                                    

Dear Dhiaria,





Pagkagising ko kanina, isang nakakagimbal na text ang kaagad kong nabasa.





Ang lalim yata non?





Si Niro ang nag text sakin.





At kaya ko sinabing nakakagimbal dahil ang message nya ay 'Magkita tayo mamaya sa likod ng school mamayang alas otso. May importante akong sasabihin sayo beh.'





Charot lang yung beh.





Naisip ko na baka magkoconfess na sya sakin ng feelings nya.





Pero sorry. Hindi na sya ang gusto ko.





Asa ka pa, Niro. Eto ang hand ko, kiss mo para bati na tayo hihi.





Yan dapat yung sasabihin ko e.





Nagpunta ko sa likod ng school ng alas otso ng umaga. Proud na proud ako sa sarili ko dahil saktong sakto ako dumating sa meeting place namin.





Ni hindi na ko nakapasok sa lahat ng klase ko dahil inantay ko sya.





Nag worry kasi ako na baka kapag umalis ako e tsaka naman sya dadating. Baka akalain nyang hindi ko sya sinipot kapag ganon.





Sobrang tagal ko don dahil dumating sya ng alas otso ng gabi.



Diary Ni TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon