Dear Dhiaria,
Ngayong araw, nalaman ko na magkasintahan na pala ang dalawang taksil.
Oo. Si Aqua at si Prof. Eyx ang tinutukoy ko. Psh! Di naman silla bagay. Aqua at Eyx?
Wala namang mabubuong pangalan don e. Ano yon, Aqueyx? Yak! Ang jeje.
Mas maganda padin yung Taqua. Hays. Ang pretty talaga ng name ko, bagay na bagay kahit san isama.
Pero alam mo, Dhiaria. Sinabi ko lang yon sayo para updated ka, pero wala naman talaga akong pake sa dalawang yon. Cross my heart, ma deds ka man.
Duh! Happy ako ngayon no. Ba't ko naman yon sisirain para sa napakawalang kwentang balita na yan.
So Dhiaria, may good news ako sayo! Hihi~
Kami na ni Niro! WaaaAaaa! Oo! Kami naaa!
Hindi 'to joke, imagination, o fiction kasi nga totoo 'to!
Kami na nga! Hmp!
Sabi ko na nga ba, kailangan lang talagang alisin si Barbie the chaka doll dito para maging kami ni Niro my love of my life ko.
Well, alam kong curious ka kasi curious ka naman lagi, diba?
Hinarang nya ko kanina pagkatapos ng klase.
Tapos tinanong nya ko 'Tasyo, pwede ba tayong mag-usap?' at sinagot ko naman sya ng 'Usap lang, beh?' Ngumiti lang naman sya. Na eksayt kaagad ang lola mo kaya sumama na ko sakanya papunta sa likod ng gym. Ang aming lihim na tagpuan. Hihi~
Nagulat ako dahil pagdating namin don bigla nyang hinawakan yung kamay ko sabay sabing 'Tasyo, gusto kita. Matagal na.'
Muntik na kong himatayin non, buti nalang napigilan ko. Tinanong ko sya 'Ha? Seryoso ka?' Nung mga oras na yon sobrang lakas na ng tibok ng puso ko dala ng kaba pati kilig.
Ngumiti sya ng sagad sabay sabing 'Alam kong gusto mo din ako. Tasyo, can you be my boyfriend?'
Alam kong sobrang pula na ng mukha ko kaya mabilis akong tumalikod sakanya. Na shy ako e.
Tapos ano...niback hug nya ko bigla. Ihhh!
Enebe, Dhiaria. Kenekeleg pa ko! Ehe!
Nagsasalita sya non at sabi nya 'Nung dinala ka ni Roni sa playground para ipakilala sakin, nagkagusto na ko sayo non, Tasyo. Ang cute kasi ng hairclip mo e. Diba nga, pinalobo mo pa yung magkabilang pisngi mo non dahil nahihiya ka daw sabi ni Roni. Haha! Ang cute cute mo.'
Dahil pretty ako, humarap ako sakanya habang nakalobo ang magkabila kong pisngi. Feel na feel ko yon. Myghad ka, Niro!
Tapos non nabingi na ko sa napakalakas nyang tawa. Naiiyak pa nga sya e.
Sa totoo lang, ngayon ko lang sya nakita ng ganyan kasaya. Hayys! Niro, sakin ka lang pala sasaya. Hihi~
Siguro sobrang lungkot nya nung sila pa ni Barbie the chaka doll. Sino ba naman kasing matutuwa kung si Barbie ang jowa mo.
At dahil super duper inggit ka na sakin kasi wala kang jowa. Tatapusin ko na ang kwento ko sa pinaka-unexpected na parte ng scene na yon.
Pagkatapos nyang tumawa. Tinignan nya ko ng diretso sa mga mata ko. Tapos sinabi nya 'Mahal na mahal kita. Anastacio Ignacio. Totoo yon, hindi made in China.' Tinignan ko sya ng masama kasi naman e.
Bumawi naman sya kaagad sa pamamagitan ng paghalik sa noo ko. Ang pretty ko talaga, Dhiaria.
Teka tabi ka muna. Baka matapakan mo yung hair ko.
At pagkatapos ng pangyayaring yon, bigla nalang nagdilim ang buong paligid sa paningin ko dahil nawalan ng kuryente.
Keme!
Nagising nalang ako sa clinic. Akala ko pa nga panaginip lang lahat pero hindi, Dhiaria! Nalaman kong totoo kasi nga binabantayan ako ni Niro!
Nakita ko nga din pala si Aqua don. At kasama nya si Prof. Eyx. Pero wala naman akong pake. Inuupdate lang kita, ha? Hmp.
Ang pretty na jowa ni Niro,
Tasyo~

BINABASA MO ANG
Diary Ni Tasyo
Teen FictionSiya si Anastacio 'Tasyo' Ignacio at oo, sya ang bida sa istoryang ito. Para matupad ang dream nyang happily ever after sa love of his life nyang si Niro, pumayag sya sa kasunduang inalok nito sakanya. Kailangan nya lang namang sagutin ang gagang ka...