CHAP. 1

4.6K 222 32
                                    

Sa isang magandang bahay sa Santa Catalina..

The club isn't the best place to find a lover

So the bar is where I go

Me and my friends at the table doing shots

Drinking fast and then we talk slow ( mmmm )

( AN : SHAPE OF YOU by Ed Sheeran )

Nakikinig sa musika ang isang dalaga habang nagpipinta sa isang 32 x 44  na canvas.

DARLYN'S POV

" Sa wakas matatapos din ito bago ako babalik ng Guatavala. Mabuti nalang rin na doon ako, mas malapit sa mga kilalang art collectors na mga kaibigang ng pamilya namin. Matagal tagal din akong namalagi dito sa Santa Catalina. Excited akong makabalik sa Guatavala. Makikita ko na si Yaya Adeng..Ayee!! May taga pagtanggol na naman ang byuti ko sa mga sermon ni Papa. Magtitiis si Papa sa akin dahil wala na sina Kuya Jerome at Ate Biao; lahat sila may kanya-kanya nang pamilya. Ayos, ako ang reyna ng bahay. Lalo pa't madalas nagbibyahe si Papa sa abroad. Dito lang n'ya ako iniwan kina Tito Vic at Tita Rita dahil walang anak. At ako ang prinsesa ng bahay..Parang ayaw ko na ngang umuwi kasi cool na cool itong dalawa. Samantala si Papa daig pa ang Military General. Sobrang istrikto. Wala akong ginawang tama..puro mali. Mas mabuti pa nga itong sina Tito at Tita, sila ang madalas ka-deal ng mga kliyenteng bumibili ng mga paintings ko. Tsaka pinagmamalaki nila ako. Tapos may tiwala sila sa akin na may maganda parin akong kinabukasan. Samantala si Papa, pinatigil n'ya akong mag-aral sa eskwelahan dahil mabababa ang grado ko. Anong magagawa ko? Wala akong hilig sa pag-aaral lalo na't hindi ko kayang makipagsabayan sa ibang kaklase ko. Hilig ko ang magpinta. Simula 5 taong gulang ako, hilig ko nang magpinta at binibili ang mga gawa ko. Kahit nga hindi na ako makapag-aral sulit na ang perang nakaimpok para sa kinabukasan ko. Nauunawaan ko naman na mahalaga ang merong edukasyon kaya napilitan parin akong kumuha ng private class.

I have have my private class every day. I go to school if I have to submit my projects, reports or to meet my professor. And I still have time to get along with my friends. Pero hindi ako 'yong tipong pabaya sa trabaho ko o 'yong kahiligan ko sa pagpinta. Hindi naman ako nalulungkot kung mag-isa lamang akong nag-aaral. Mas maigi nga kasi nauunawaan ko ng husto kahit padahan dahan lang. I don't need to compete with other students. At wala akong hinahabol na oras para tapusin agad ang pag-aaral ko. Kung kelan ko matatapos ang lahat, walang problema. Mahigit isang taon na akong di umuwi sa amin. Nakakamiss narin ang dating bahay at mga kaibigan ko."

-----------------------------------------------

Patuloy sa pagpipinta ang dalaga, nang may narinig s'yang kumakatok sa pinto ng kanyang silid.

"Good morning, Darling." Dumating ang isang matanda.

"Yaya Adeng.." Napangiti hanggang tenga ang dalaga. At agad na lumapit sa kanyang Yaya sabay yakap.

"Namiss na kita. Kumusta? Pinapasundo kana ng Papa mo sa akin." Sabi ng matanda.

"Ganon po ba? Ang bilis naman yata." Nasabi ni Darlyn.

"Eh, syempre daig pa ng Semana Santa ang bahay sa sobrang lungkot at halos walang ingay kaming naririnig. Ayaw ko nga doon, napapabilis ang pag tanda ko." Sabi ng matanda.

"He he he he..Syempre ako lang naman ang Star of all Season sa loob ng bahay namin." Tuwang tuwa pa si Darlyn na sinabi.

"Ay oo nga pala, meron tayong bagong makakasama sa bahay natin. Si Elon. Pamangkin ni Pedring. Hahalili kay Pedring si Elon,kasi nga uuwi na sa probinsya si Pedring. Eh matanda na kaya 'yong pamangkin nito ang pinahalili sa kanyang trabaho. Mabait na bata naman si Elon at masunurin. 'Yon nga lang tumigil muna sa pag-aaral kasi nga hindi sapat ang perang pinapadala ni Pedring dahil masakitin narin. Hindi naman pwedeng hihiram ng hihiram ng pera si Pedring sa ama mo. Ulila sa mga magulang si Elon, sina Pedring at ang asawa nito ang kumupkop. Kaya para makapag-ipon ng malaking pera si Elon sinabi nya sa kanyang amain na s'ya na lamang ang hahalili sa trabaho." Kwento ni Aling Adeng.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon