Chap. 29

765 161 60
                                    

Dumalo ng kasal sina Victor at Rita, isinama din nila si Darlyn. Nagdadalawang isip man ang dalaga na sumama ngunit kinakailangan. Batid ng dalaga na makikita n'yang muli si Benny.

DARLYN'S POV

Argh! sigurado akong lalapit na naman ang asungot na 'yon. Ano kaya ang nakain nun at ako ang napansin? Tsk. Sana naman kahit makita nya ako ay hindi nya maisipang lumapit. Mukha pa naman s'yang mahilig mang-asar. Wala ako sa kondisyon na makipag lokohan. Pakiramdam ko gusto kong mapag-isa sa mundo ngayon. 'Yong tipong walang istorbo sa buhay ko.

Habang papalapit kami sa Hacienda ng mga Admiral, nakakasabay na namin ang mga ibang bisita. Sadyang malawak din ang lupang pag-aari ng mga Admiral. Balita ko malaki din ang naitutulong ng mga admiral sa lugar na 'to. Maging ang pamilya ni Tita Rita ay ganun din. Tsaka balita ko, silang mga haciendero dito ay halos magkaka mag-anak na. Dahil sila-sila lang rin ang nagrereto ng kani-kanilang mga anak. Mabuti nalang at makakawala ako sa kagustohan ni Papa na maituloy ang napagkasunduan ng pamilya namin sa pamilya ni Yumir. Naisip ko nga, saka na ako babalik sa amin. Kung talagang magaling na ako at handa ko nang harapin sina Elon at Ellan.

Dumiretso ang aming sasakyan sa malawak na hardin ng mga Admiral. Wow, super ganda ang kasalang ito. Hindi na nakapagtataka na talagang pinagplanohan ng matagal ang araw na ito. Nakakinggit naman ang babaeng ikakasal talagang binigyan ng matinding importansya ng kanyang mapapangasawa ang pag-iisang dibdib nila. Ginayak kami ng ilang kamag-anak ng Admiral. Mga kaibigan at kakilala nina Tito at Tita ay nandito. Panay naman ako ngiti ng ngiti tuwing may nagtatanong sa kanila kung sino ako.

"Pamangkin ni Victor. " Sabi ni Tita.

"Rita, wala pa bang bagong painting si D.G ? kasi balak kong bumili sa kanya upang ilalagay ko sa bagong bahay ko." Sabi pa ng kakilala ni Tita.

"Ahmmm..nasa bakasyon si D.G. naghihintay rin kami ng tawag n'ya." Sagot ni Ate Rita.

"Is she related to you?" tanong ng kakilala ni Tita.

"Yes." Sagot ni Tita.

"Ipakilala mo naman ako sa kanya." Sabi ng kaibigan.

"Mahiyaing bata si D.G. Mangilan ngilan lamang ang nakakakilala sa kanya ng personal. Hindi sya mahilig lumantad sa publiko." Untag ni Tita. Tahimik lamang ako.

"Oo nga. Nasabi din sa akin ng kaibigan ko. Tulad noong last exhibit na sinalihan nya, hindi sya gaanong nagpapakita. Laging nasa isang silid lamang kasama ng ibang artist na tulad nya. Umiiwas pa sa interview. Napaka sikat nya pero ilang sa maraming tao. Ano nga uli ang totoong pangalan nya? Nasabi sa akin ng kaibigan ko eh pero nakalimutan ko."

"Darlyn Sebastian-Goya. "

"Ahhh, she has a nice name. " Untag pa ng kaibigan ni Tita. Napatingin ako sa babae at nginitian ko. Ngumiti din sa akin.

Napatingin ako sa paligid. Talagang humanga ako sa ayos ng dekorasyon, tila mga celebrities ang ikakasal. Napansin kong mamahaling mga bulaklak ang nakapalibot. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Benny.

Agad akong napayuko nang makita ko s'yang papalapit sa amin kasama ang kanyang Lolo. Anak ng tokwa at malapit kami sa kinatatayuan ng mga kamag-anak nila. Tila gusto kong tumago at iiwan sina Tito at Tita. Pero hindi ko magagawa dahil wala akong alam sa lugar. Mahirap na at baka kung saan pa ako mapunta.

Nagitla na lamang ako nang kinalabit ako ni Tito at sinabing..

"Come, let's go inside. Doon na natin hintayin ang Tita mo. Magsisimula na ang kasal." Sabi ni Tito. Kaya dali-dali akong sumunod. Napalingon ako sa paligid wala na sina Benny. At nakita kong nasa harap na sila ng altar ng kanyang lolo. Nakaupo na sila sa kanilang pwesto. Pero napanganga ako nang lumingon si Don Felipe at tinawag si Tito na maupo malapit sa kanilang pwesto. Gustohin ko mang hilain si Tito na maupo sa ibang pwesto pero di ko magawa. Argh! Napalingon pa si Benny at kumaway sa akin. Etong si Benny mukhang timang sa paningin ko.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon