Chap. 23

760 157 51
                                    

DARLYN'S POV

Palipat lipat ang tingin ko. Si Papa at ang aking nakakatandang kapatid ay kasama ni Mang Pedring. Halos hindi ako makapaniwala. Para akong estatwa at di makakilos.

"Bakit kayo nandito Papa? kailan kayo dumating?" Hindi ko maunawaan ang kaba at init na tumatakbo sa aking dibdib.

"Darlyn.." Kitang kita ko ang pagkagulat ni Papa.

"I said why are you here?" Tinanong ko ulit.

"They're here for my wedding." Sagot ni Ellan sa akin. Bakit nga ba s'ya sasagot sa akin? Lalong nanginginig ang kalamnan ko. Tumaas ang kilay ko. Hindi ko alam kung gaano umarko ang kilay ko nang hinarap ko si Ellan.

"And who are you by the way?"

Tumingin pa sya sa aking ama. Napakuyom  agad ang aking mga kamay. Lalong kumulo ang dugo ko nang makita kong nakapalibot sa bisig ni Papa ang kamay ni Ellan. Nakalimutan ko si Elon.

"What the hell is going on?!" Tumaas na talaga ang boses ko dahil gusto ko ng kasagutan.

"Darling, come here." Hinawakan ako ni Kuya Jerome.

"Shit! Don't touch me." Asik ko sa aking nakakatandang kapatid.

Umiba na ang tingin ko s aking ama na tila namumutla sya sa harap ko.

"Anak.. She is your half sister."

"What the fuck!" Biglang lumabas sa bibig ko. Hinarap ko si Elon.

"Elon.." Sumabog na talaga ang puso ko.

"Darling.." Lumapit si Ate Biao sa akin. Hindi ko kayang tanggapin ang sinabi ng ama ko. Kitang kita ko na napapikit ang mga mata ni Elon. Anong nangyayari? Bigla nalang hinila ako ni Elon at lumayo kami sa kanila.

"Elon.." Tinawag Ellan si Elon. Dinala ako ni Elon sa labas ng building.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Elon at sabay ang pagtulo ng luha ko.

"Darlyn, hindi ko alam..hindi ko alam na ang ama mo ang tinutukoy n'yang ama. Darlyn, walang nabanggit si Tatay sa akin." Parang nalilito din si Elon. 

PAK

PAK

"I hate you!! I hate all of you!!!" Pinaghahampas ko ang dibdib ni Elon.

Hindi ko kaya talaga..Hindi ko kaya ang natuklasan ko. Pilit akong niyayakap ni Elon pero ayaw kong mahawakan nya. Tumagos ang sakit sa aking dibdib. Para akong sinasaksak ng paulit ulit.

Dumating si Papa.

"Anak, Darlyn let's talk." Sabi ni Papa. Dumating din sina Kuya at Ate.

"No! This is enough. H'wag kayong magpaliwanag sa akin. I love you..all of you. Bakit? Bakit hindi ninyo sinabi sa akin? Kaya ba lagi kayong nawawala? Sa kanila ka ba pumupunta? Bakit ninyo nilihim sa akin. Why you lied to me? !" Sumbat ko sa aking ama.

"Let me explain." Sabi ni Papa.

"No..enough. This is bullshit! Papa, you said I'm always your princess. Naniwala ako..pero sa likod ng lahat HINDI PALA AKO NAG-IISA. MERON PA PALANG ISANG PRINSESA NA TINATAGO MO SA AKIN. ANG GALING NINYONG MAGPAIKOT NG DAMDAMIN KO." 

Hindi ko alam kung dapat bang sumbatan ko sila. Nilabas ko lang ang sama ng loob ko. 

"This is not the right time to argue. " Sumingit si Kuya Jerome.

"Oh yeah. Right. Nakakahiya kasi. Marami nang taong dumarating. Fine. I don't want to ruin this occasion. Ihatid n'yo sya sa altar, tutal anak ninyo s'ya. " Sabi ko kay Papa.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon