Chap. 8

921 175 34
                                    

DARLYN'S POV

Dala ng takot ko sa nangyari at pag-alala kay Elon napatakbo agad ako sa kanya at napayakap nang makita ko s'ya. Yakap? Ewww, bakit ko nga ba nagawa 'yon? Anak ng tokwa! Dyahe naman ang nagawa ko. Dagdagan pa nina Ferdy at Kiray kaya naging sentro tuloy kami ng atraksyon kanina. Pero nag-aalala rin ako kay Yumir. 

KRINGGG KRINGGGG

Tumawag si Yaya sa akin.

"Ya, okay na po kaming apat h'wag na ho kayong mag-alala. May kunting galos lang kami ni Kiray pero ayos lang po eto. Paki sabihan ang mga magulang nila na wala po silang dapat ikabahala. Opo, uuwi nalang po kami d'yan. Si Elon naman po, ayos din. 'Ya, h'wag n'yo na pong iparating kay Papa baka mamaya maging OA na  naman. Kahit sa mga kapatid ko. Sorry po Yaya, 'di ko naman po alam na mangyayari ito eh."

( Darlyn, paano naman 'yong si Yumir? Aba'y lumabas ang pangalan nya sa balita. )

"Nasa hospital po sya dinala."

( Aba, puntahan mo dahil kasama mo s'ya sa nasabing trahedya. Hihingan kayo ng detalye. Tsaka sabi sa balita nasa malubhang kalagayan si Yumir. Puntahan nyo na sa hospital. )

"Opo, yaya."

Muli akong kinabahan sa nangyari kay Yumir; batid kong tinulak nya ako kanina upang mailigtas sa speedboat na babagsak sa aming tatlo. Kaya naman hinila ako ni Elon. Dios ko, sana mailigtas si Yumir, batid kong sa kanya bumagsak ang speedboat. Kaya nang matapos ang usapan namin ni Yaya ay agad kong sinabi kay Elon na puntahan namin ang hospital na kung saan si Yumir idinala. Mabilis din naman inalam ni Elon sa mga taong nag-organisa ng pyesta. Maasahan din pala si Elon.

"Nasa Guatavala General Hospital dinala si Yumir." Sabi ni Elon kaya naman nagmadali kaming bumalik ng Resort.

"Ano ba namang lakad na 'to? Palpak. Ang intensyon natin ay para makapagrelax pero heto nerbyos at takot ang napala natin." Sabi ni Kiray.

"Oo nga. Pero ang mahalaga ligtas tayo sa trahedya. Jusko, mabuti nalang hindi sa 'yo bumagsak ang speedboat kanina na umangat sa ere. Tarantado din naman pala ang driver nung speedboat. Pinatakbo ng bonggang bongga ang speedboat tapos may deperensya pala ang makina kaya umapoy ang likurang bahagi. Sa takot ng driver at sobrang taranta, napihit ng husto ang manibela ng speedboat kaya bumilis na ang takbo ng sasakyan na parang lilipad. Kaya umangat sa ere at di na makontrol, kaya nasalubong ang parada at sa kamalasan dumiretso at sumampa sa float. Kaya disgrasya ang tinamo ng mga tao." - si Ferdy.

Hindi ko magawang magsalita, ramdam ko parin ang kaba sa aking dibdib. Pero napatingin ako kay Elon. Hindi pa nga pala ako nakapagpasalamat.

"Elon, thank you sa pagsagip mo sa akin kanina." Sabi ko.

Tumango lamang sya habang nagmamaneho.

--------------------------------------------------------

Nagmadaling pinuntahan nina Darlyn ang ospital na pinagdalhan kay Yumir. Inabutan nilang nandoon ang ilan sa mga kamag-anak ni Yumir.

"Darlyn, mabuti nandito ka. May nakapagsabi sa amin na kasama mo si Yumir sa pagsakay sa bangka. Mabuti at walang nangyaring masama sa 'yo. " Sabi ng isang kamag-anak ni Yumir.

"Wala naman po. Magkasama po kami at magkatabi nang biglang lumagpak ang speedboat sa aming harapan. Tinulak po ako ni Yumir at sa kasamaang palad sya ang binagsakan ng speedboat. Iniligtas nya po ako." Sabi ni Darlyn.

"Dios ko, isang malaking trahedya ang nangyari kanina. Maraming nalunod at nasaktan. Darating mamaya ang kanyang mga magulang. Inaasikaso pa ng doktor ang kalagayan ni Yumir.  Sabi ng doktor napinsala ang mga paa ni Yumir at apektado ang kanyang balakang. Hindi ko alam kung ooperahan si Yumir." Sumbong ng kamag-anak ni Yumir.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon