Nanggagalaiti sa galit si Ellan sa asawa, kahit hindi paman sya siguradosa kanyang hinala; ay parang sasabog na s'ya na bulkan. Agad n'yang kinuha ang kanyang cellphone. Alam n'yang nasa trabaho ang asawa. Nagsimulang manlamig ang mga kamay ni Ellan dala ng galit na nararamdaman. Bumalik s'ya sa silid ni Darlyn.
"Talagang naghihinala na ako ng husto kay Elon. Alam kong may sekreto s'yang tinagago sa akin. Malas n'ya at malalaman ko rin kung ano talaga. Iba ang nararamdaman ko ngayon, parang may milagrong nangyari kina Elon at Darlyn."
( Hello. )
"Anong oras ang break -time mo?" Tanong ni Ellan.
( 12 noon. )
"Umuwi ka muna dito sa bahay. Dito kana kumain ng tanghalian."
( Ellan, nasa malayo kami ni Sam. Hindi ako basta-bastang makakarating. Nakakahiyang mahuli sa oras ng trabaho. Meron kaming kakausaping buyer. )
"I don't care."
( Ano na naman bang problema mo? )
"Elon, listen to me. Ako ang dapat mong i-priority kesa sa trabahong 'yan. Pwede kang umalis d'yan at pumasok sa kompanya ni Papa. H'wag mong pahirapan ang sarili mo."
( Ellan, pinag-usapan na natin ito. )
"Elon, I want you to be home. No excuses. "
At pinutol ni Ellan ang tawag. Hindi pa nakonteto ang anak ni Nena at naghalughog pa sa buong silid ni Darlyn. Mabuti nalang dumating si Susan.
"Anong ginagawa mo dito?"
Nagitla si Ellan nang makita ang kasambahay.
"Wala."
"H'wag kang makikialam ng mga gamit dito ni Darlyn. Kami ni Aling Adeng ang malilintikan sa kanya." Sabi ni Susan.
"Anong tingin mo sa akin magnanakaw?" Napatanong si Ellan.
"Hindi naman sa ganon. Ayaw ni Darlyn na may ibang taong papasok dito sa kanyang silid maliban sa amin ni Aling Adeng. Lalo na't wala sya dito. Batid 'yon ng ama nya at ng asawa mo." Sabi ni Susan.
"O baka naman may alam kayong ginagawang milagro ni Darlyn dati sa asawa ko?" Hindi napigilan ni Ellan ang sarili.
"Anong pinagsasabi mo? Wala. Sadyang malapit lang silang dalawa. Tinatrato kami ditong kapamilya. Hindi tulad ng iba d'yan TAGA-sILBI TALAGA ANG TURING SA AMIN." Diinang sinabi ni Susan.
"I don't believe you. Nakita mo ba ang unan na 'to? bakit amoy pabango ito ng lalaki? magkatulad sa pabango ni Elon." Sabi ni Ellan.
"He he he he ..Eto ba ang dahilan na nasira ang araw mo? Eto ba ang dahilan kung kaya parang tigre na ang mukha mo? Susmarya, Ellan maraming kaibigang bakla si Darlyn. Maraming kaibigang mga Models. Minsan, nagkakaroon sila ng nude painting. Minsan kumukuha ng unan si Darlyn dito sa kanyang silid para sa mga sessions nila. Minsan pa nga nasa studio natutulog ang mga models ni Darlyn. Siguro hindi lamang ito napalitan dahil biglaan ang pag-alis nya."
Umiling si Ellan. Ayaw maniwala sa sinabi ng katulong.
"Kung ayaw mong maniwala e di ikaw lang ang mahihirapan." Sabi ni Susan.
"Pinagtatakpan n'yo lang si Elon at Darlyn." Pinaggigiitan ni Ellan.
"Hindi. May takot si Elon sa ama mo. At ginagalang ni Elon ang pamilyang ito." Sabi ni Susan.
Pero hindi parin nagbabago ang isipan ni Ellan. Lumabas ito sa kanyang silid. Saka lamang nakahinga ng maluwag si Susan. Bit-bit ni Ellan ang unan, ayaw nitong bitawan. Nagmadaling bumaba si Susan at dumiretso sa kusina. Napainum s'ya ng tubig nang inabutan ni Aling Adeng.