Chap. 10

849 169 16
                                    

Nang maghapunan, naisipan ni Darlyn na magpadala dalang ng kanyang pagkain sa kanyang silid. Hinatiran ni Aling Adeng ang dalaga kasunod sa kanyang likuran si Elon. Inabutan nilang nakadapa sa kama ang dalaga habang nagbabasa sa kanyang laptop.

"Heto na ang pagkain mo. Bakit ba kailangan pa naming ihatid itong mga pagkain mo dito sa silid mo? Ikaw ha, umaadar na naman ang katamaran mo." Sabi ng mayordoma.

"Ya, may importante lang kasi akong binabasa eh." Sagot ni Darlyn.

"Ano ba 'yan?" Napatanong ang matanda. Biglang umiba ang reaksyon ni Darlyn nang makitang nasa likuran ng matanda si Elon.

"Ahhh..para po sa gagawin kong painting para kay Mrs. *****." Sagot ng dalaga sabay tingin kay Elon. Hindi na nakatingin si Elon sa kanya, para bang tumagos lamang ang narinig nito na pag-uusap ng dalawa.

"O sige, bilisan mong kumain at marami pa akong aasikasuhin sa kusina." Nagmadaling umalis ang matanda. Sumunod si Elon. Hindi nalamang pinansin ni Darlyn si Elon; alam n'yang naglalaro na ng kung anu-ano ang isipan ng binata.

"Conservative daw? Mmm..wala na ngayon sa panahon na 'to ang mga lalaking conservative. Kung meron man bilang nalang sa mga daliri.  Ako pang inokray ng mokong." Pabulong bulong si Darlyn habang tinitikman isa-isa ang ulam na dinala para sa kanya.

Dahil wala nang trabaho si Elon, dumiretso na ito sa kanyang silid at agad nahiga sa kanyang kama. Iniisip nya ang kanyang nakita sa mini-studio ni Darlyn. Hindi nya mawari kung bakit ganun si Darlyn. Ayaw n'yang isipin na malading babae ang dalaga. 

"Sadyang liberated lang si Darlyn. Binabalewala ang kanyang sarili pagdating sa kanyang kaligayahan." Nasabi ni Elon sa sarili at pinilit na ipinikit ang kanyang mga mata.

Ilang sandali ang lumipas..

TOK TOK TOK

Agad bumangon ang binata at pinagbuksan ang pinto ng silid.

"Elon, umakyat ka nga sa silid ni Darlyn kunin mo 'yong kanyang pinagkainan. May ginagawa pa kami dito ni Susan ( Kasamang katulong ) sa kusina." Utos ng mayordoma. Dali dali namang tumalima ang binata. Muling inihanda ang sarili sa kanyang makikita sa loob ng silid ni Darlyn.

Dahan dahan s'yang umakyat sa hagdan. Halos ayaw n'yang marinig ang yabag ng kanyang paa. Nang nasa harapan sya ng pinto ng silid ni Darlyn, may narinig syang..

"Mmmmmmmmpppppp...Mmmmmmm"

Napapikit si Elon. Alam n'yang nanunuod na naman ng malalaswang pelikula si Darlyn. Naisipan n'yang kumatok.

TOK TOK TOK

Agad pinagbuksan ni Darlyn.  Napalaki ang mga mata ni Darlyn nang makita si Elon sa harap ng pinto. Tuloy parin ang ingay na naririnig ni Elon sa loob ng silid ng dalaga. Ngumiti na parang aso si Darlyn at bumalik sa kama at tinutok muli ang atensyon sa kanyang pinapanuod. Agad humakbang si Elon at kinuha ang tray sa mesa. Ngunit hindi maiwasan ni Elon na di mapansin ang pinapanuod ni Darlyn.

"Mmmmmmppp....Mmmmmpp..."

Napakunot ang noo ni Elon..DAHIL MALI PALA ANG KANYANG INIISIP. HINDI BED SCENE ANG PINAPANUOD NI DARLYN KUNDI ISANG BABAE NA NAKATALI AT MAY TAKIP Na PANYO SA BIBIG. TILA ITO AY KIDNAP VICTIM. GUMAGAWA NG INGAY ANG BABAE UPANG MARINIG NG MGA PULIS NA UMIIMBISTIGA SA KRIMINAL.

"Tanga! Sipain mo ang dingding..gumawa ka ng ingay paalis na ang mga pulis!!!" Malakas na sermon ni Darlyn. Dahil napatigil si Elon at pinagmasdan ang reaksyon ng dalaga.

"Ay gaga! Umalis na tuloy ang mga pulis. Patay kang bata ka!! Bibitayin kana ng patiwarik ng psychopath na 'yan!!" Pahampas hampas pa sa unan si Darlyn.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon