Halos di iniimikan nina Susan at Aling Adeng ang asawa ni Elon. Parati na lamang nasa kusina ang dalawa at ayaw tumambay sa sala ng bahay. Hinihintay na lamang nila ang tawag sa intercom kung may kailangan si Ellan sa kanila.
"Hindi kaya nababagot ang anak ni Senyor Lyndon, Manang? Buong maghapon nakatunganga sa loob ng kanyang silid. Ano kayang ginagawa nya? Ni hindi ko nakitang lalakad lakad d'yan sa labas." Napaisip si Susan.
"Oo nga. Hayaan mo na. Kalaban nya ang mundo. Nakakainis ngang isipin s'ya pa ang nabuntis ni Elon, samantala si Darlyn eh hindi." Sabi ng matanda.
"Kumusta na kaya si Darling? Ni hindi man lang tumawag dito. Si Senyor Lyndon naman ayaw ding kausapin ni Darlyn. Talagang nasaktan ng lubos si Darlyn dahil sa mga nilihim ni Senyor sa kanya; dagdag pa ang nangyari sa kanila ni Elon. Hayss, bakit ganun ang kapalaran ng love life ni Darlyn? Walang swerte." Dagdag na sinabi ni Susan.
"Naku, hindi pa dumating 'yong taong dapat mahalin ni Darlyn. Wala namang magagawa si Elon kung sakali mang magmahal ng iba si Darlyn dahil may asawa na sya." Nasabi ng matanda.
"Weee, sa tingin ko laking pagsisisi ni Elon na pinakasalan n'ya etong bruhang kapatid ni Darlyn. Oo, pasaway nga si Darlyn pero di tayo trinatong parang katawa-tawa sa loob ng bahay na 'to. Kung sino pa ang bagong salta 'yon pa ang pahirap sa atin." Asar na asar parin si Susan.
"Kalimutan mo na Susan. Ang mahalaga naiparating na natin sa kanyang ama ang ginawa nya sa'yo." untag ng matanda.
FLASHBACK
Mangiyak ngiyak si Susan matapos binuhusan ni Ellan ng gatas ang kanyang ulo. Inis na inis si Susan. Hindi lumabas ng kanyang silid ang kasambahay. Tanging si Manang Adeng na lamang ang umasikaso.
Tamang tama at maaga umuwi si Senyor Lyndon, hindi na nagdalawang isip si Manang Adeng na di iparating sa kanilang amo ang nangyari.
"Lyndon kausapin nga muna kita." Tawag ni Manang Adeng nang makitang aakyat na sa hagdanan ang ama ni Darlyn.
"Bakit Adeng?"
Lakas loob na lumapit ang matanda.
"Lyndon, ayaw lumabas ni Susan sa kanyang kwarto. Dahil kanina binuhusan sya ni Ellan ng juice, dahil sa may nakitang patay na langam sa baso. Hindi ko nga maunawaan kung bakit ganun nalang ang ginawa ni Ellan kay Susan. Lyndon, kausapin mo ng maayos ang anak mo. H'wag naman n'yang tratohin kami ng ganun. Tumagal kami dito sa bahay na ito dahil ginagalang namin kayo. 'Yong mga anak mo, ni minsan hindi kami sinasagot sagot nina Jerome. Aba, kung ganun ang pakikisamahan namin, hindi na kami tatagal dito."
Napabuntong hininga ang ama ni Darlyn. Kaya naman agad na tinungo nito ang silid ng anak.
"Ellan, ano na naman ba ang ginawa mo kanina?"
"Papa, imposibleng hindi nakita ni Ate Susan ang langam sa baso. H'wag kayong maniniwala sa pinagsasabi nila. Kasi ganun lang naman ang gagawin nila sa akin dahil ayaw nila na nandito ako sa poder mo. Pakiramdam ko ako ang dahilan na umalis si Darlyn dito." Pagdadahilan ng asawa ni Elon.
"Ellan, ako ang dahilan na umalis si Darlyn. Pero hindi tama ang ginawa mo sa katulong natin. Matagal na sila dito at masakit sa akin kung aalis sila." Nasabi ni Lyndon sa kanyang anak.
"Ahhh, mabuti pa sigurong babalik na lamang kami ni Mama sa Santa Inez." Agad nasinabi ni Ellan.
"Ellan, hindi pwede. At ako ang masusunod." Sabi ni Lyndon.
"Then, tell them to do the job well. Hindi ako katulad ni Darlyn na okay lang sa lahat ng bagay. Papano pa kung lalabas na ang anak ko? H'wag nilang sabihin na magrereklamo sila kung sisitahin ko sila sa pag-aalaga ng anak ko. Siguro naman matino ang pagpapasahod nyo sa kanila kaya h'wag silang aabuso sa inyo." Sabi ni Ellan.