Chap. 13

993 167 35
                                    

ELON'S POV

Nagulat ako sa sinabi ni Darlyn sa akin. Biglang pasamantalang tumigil ang lahat sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Dyaske! May binabalak na naman ba s'ya sa akin? Eto, umandar na naman ang kamalditahan. Haysss, ako na naman ang nakitang pag-tripan. 

"Um!" Mahinang pinitik ko ang noo n'ya.

"Aray!"Napahiyaw sya.

"Ano na naman ang balak mo sa akin ha?" Tanong ko.

"Gago ka Elon! Seryoso ako." Sabi n'ya habang hinimas himas nya ang kanyang noo. Napapangiwi pa nga ang mukha nya. Akala nya maiisahan nya ako sa kalokohan n'ya.

"Hoy, h'wag mo akong idamay d'yan sa malaswa mong utak. Ikaw ha, nahawa kana nina Kiray at Ferdy. 'Yong dalawang 'yon puro kaberdehan ang nasa isip. Tumigil ka nga." Sabi ko.

"Totoo nga ang sinasabi ko sa 'yo." Agad s'yang nakapamaywang sa harap ko. Ayan nakikita ko na naman ang dalawang tayung tayo nya na mga nipples. Etong babaeng ito, hindi ba nahihiyang humarap sa lalaking suot ang manipis na damit? Dios ko, ang sarap balutan ng kumot.

"Hoy, Elon hindi ba ako papasa sa panlasa mo? Elon, mabango naman ako at walang putok sa kili-kili." Sabi pa nya.

"Loka-loka ka talaga.' Asik ko.

Bigla syang lumapit sa akin. Anak ng tokwa! Napaatras ako.

"Elon, sige na. Give me a favor." Sabi nya.

Tinapalan ko ang mukha nya ng kamay ko.

"Um!! Kulang pa ang pitik sa noo? Etong palad ko para matauhan ka." Ewan ko at natakot ako sa mga nasabi ni Darlyn. Takte! 

"Seryoso ako." Pinagdiinan n'yang sinabi sa akin.

"Darlyn, tumigil ka. Mangilabot ka naman." Saway ko.

"Ulol! Hindi ka ba lalaki? Baka naman type mo si Ferdy?" Tanong n'ya. Talagang nanghahamon. Tsk. Ayaw kong patulan. Tatalikod na sana ako nang bigla na namang hinarangan ako. Nakadipa ang kanyang mga kamay. At talagang nakabukaka ang kanyang mga paa na nakaharang sa akin.

"Shite! Darlyn, mahiya ka nga. Ano bang problema mo?" Natanong ko.

"I want you to devirginize me." Inulit pa nya sa akin.

Umiling ako.

"Damn! Elon. H'wag mong sabihin magpapakasanto ka?" Tanong n'ya.

"I can't." Sagot ko.

Bigla nalang hinawakan nya ang kamay ko at inilagay sa kanyang dibdib.

"Siguro naman sanay kang humawak ng joga." Sabi pa nya. Pinilit kong inialis ang kamay ko pero pinigil ni Darlyn. Anak ng tokwa! Anong nakain nito?

"Elon.." Kinilabutan na ako sa boses ni Darlyn. Kinabahan agad ako.

"Hoy, nakahit-hit ka ba? Baka dahil sa mga nalanghap mong chemical d'yan sa mga oil paints mo kaya nawawala sa tamang takbo ang utak mo." Sabi ko. Umiling si Darlyn.

"Elon, just do it with me please." Pamimilit nya.

"Ayaw ko!" Sabi ko.

"Bakit nga?" Tanong n'ya.

"MAY GIRLFRIEND AKO. AYAW KONG MAGKAROON NG SABIT. DARLYN, WALA KANG ALAM SA MGA RELASYON DAHIL WALANG TATAPAT SA LEVEL MO. IF YOU WANT TO TRY OR TO MAKE IT WITH SOMEONE DO IT. PERO HINDI AKO. TREAT ME AS YOUR SERVANT; DO WHATEVER YOU WANT BUT NOT TO SLEEP WITH YOU. DO YOU UNDERSTAND?" Parang uminit na ang ulo ko.

Kunting katahimikan ang sumunod. Siguro natauhan na sya.

"O--Okay." Mahina n'yang sinabi.

Dahan dahan n'yang binalot ang kanyang sarili ng robe. Nakahinga ako ng maluwag sa dibdib.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon