AN : WALANG EDIT..BAHALA SI BATMAN.
♡♡♡♡♡♡♡♡
Nakarating sa matandang Admiral ang pamamasyal nina Benny at Darlyn. Napapangiti ang matanda sa diskarte ng apo sa anak ni Lyndon.
"Oh well, magaling talaga pumili itong si Benny. Hindi ko akalaing siseryosohin nya ang pangungulit kay Darlyn. Kung sabagay, gusto ko rin naman ang anak ni Lyndon. Magiging magandang kasusyo sa negosyo ang pamilya nila. Dapat hindi na pakawalan ni Benny si Darlyn." Napaisip ang matanda.
KRINGGG KRINGGG
"Don Felipe, tawag po galing sa ina ni Benny." Sabi ng Assistant ni Don Felipe. Napakunot agad ang noo ng matanda na tinanggap ang tawag.
"Ano na naman ang gusto mo?"
( Papa, napatawag ako dahil nais kong linawin ang kalagayan ng anak ko. Pinauwi ko na sya d'yan sa poder mo, kailangang maipasok mo sya sa kompanya ninyo. )
"Ayaw ni Benny na humawak ng negosyo. Batid ko 'yon. Pero nais kong magkaroon sya ng parteng paghahawakan upang walang masabi ang ibang pinsan nya. Lahat sila nagtulong tulongan upang manatiling nasa itaas ang negosyo. Hindi lang naman sila ang makikinabang kundi ang susunod pang henerasyon. Dinadahan dahan ko ngang kinukumbinsi si Benny."
( Kung ayaw ng anak ko, ibigay nyo na lamang ang kanyang mana. )
"Are you out of your mind? Hindi ko basta bastang ibibigay ang mana nya na galing sa akin. Baka nakalimutan mo, nakuha n'yo na ang kalahati ng mana nya noon. Anong ginawa mo? Nilustay sa walang kwentang bagay. Bumiyahe ka kung saan saan. Mabuti na lang at hindi ko binuo. E di sana nganga ang anak mo."
( Wala kayong pakialam doon. )
"Anong wala? Pera ng anak ko ang nilustay mo. Gumawa ka pa ng isyu. Nakakahiya ka. Ginagawa mong pananggalan si Benny. Hindi na ako papayag na paikutin mo sa iyong mga kamay ang apo ko. Hindi porke't ikaw ang ina nya dapat nyang sundin kahit mali kana."
( H'wag kayong magmatigas sa akin Papa. )
"Bakit? Idadaan mo ako sa korte? Hoy, subukan mo. H'wag mo nga akong takutin. Sarili mong anak ginagamit mo lang sa 'yong pagiging kapritso."
( Ha ha ha ha Binigay ko na ang hiningi mo noon. Ang isuko ang punla ni Benny. Ibigay ninyo sa akin ang hinihiling ko para matapos ang usapang ito. )
Napangiti ang matanda matapos marinig ang sinabi ng ina ni Benny.
"Sige, ibibigay ko..KUNG BIBIGYAN AKO NI BENNY NG APO."
( What? )
"Bakit? Hindi ka ba tumatanda?"
( Ano na namang pumasok sa isipan ninyo? )
"Para hindi mo mapakinabangan ang pera ng anak mo."
Asar na asar ang ina ni Benny kay Don Felipe.
( AN : Skip tayo sa ibang pag-uusap nila.)
-----------------------------------------------------------
Nang dumating si Benny ay agad kinausap ni Don Felipe. Pinaalam nito ang pagtawag ng ina ng binata.
"Tumawag dito ang ina mo. Kinausap nya ako tungkol sa mamanahin mo sa akin." Sabi ng matanda.
"Ganun din po ang sinabi nya sa akin." Mahinang sagot ni Benny.
"Benny, ano ngayon ang desisyon mo? Papasok ka ba sa kompanya o hindi? 'Yong mga pinsan mo lahat sila pumasok sa kompanyan natin. I'm expecting you also to be there. However, it's up to you. I won't force you. You're old enough to decide what you want. Makulit man ako noon na pinaggigiitan ko sa 'yo na pumasok ka, pero atras-abante ang desisyon mo. I realized you're not interested." Sabi ng matanda.