Chap. 28

771 163 69
                                    

Dinala nina Victor at Rita si Darlyn sa kanilang pinagmamalaking lokasyon kung saan sila ikinasal na mag-asawa. Sa isang malapit na ilog ang lugar na kanilang pinuntahan. Ang ilo ay ang namamagitan sa isang Hacienda na pag-aari ng Admiral. Sa gitna ng ilog ay may tulay na dumudugtong sa magkabilaang lupain.

"Eto ang lokasyon dito sa kaliwang bahagi ng hacienda, doon naman sa kanang bahagi ng hacienda ay meron ding tulay na nagdudugtong sa kabilang hacienda na pag-aari naman ng mga Vera. Magkabilaang bahagi na 'to ay napapalibutan ng mga puno. Doon sa kabilang tulay puro mangga ang makikita mo. Dito naman mga puno ng flame tree, balayong, golden shower at melendres. May mga halaman tropical flowers din. Kaya nga balak naming pagawaan ng resort dito." Sabi ni Rita.

( Note : Ang puno ng BALAYONG ay tinatawag na Cherry Blossom ng  Pilipinas. )

Napatingin si Darlyn sa paligid, talagang maganda ang lugar na gawing resort para sa kanya. Pero dahil sa mga puno ng flame tree/ fire tree, minsan pang sumagi si Elon sa kanyang isipan. Pakiramdam ni Darlyn bawat kilos nya ay may nagpapaalala sa kanya sa asawa ng kanyang kapatid. Pakiwari n'ya 'yon ang parusa sa kanya dahil tinukso nya si Elon na magtaksil kay Ellan. Isang parusa ang pagmamahal nya kay Elon.

"Darlyn, gusto mo bang kunan kita ng mga larawan?" Tanong ni Victor.

"H'wag na ho." Sagot ni Darlyn.

"Sige doon muna kami sa unahan ng Tita mo, titignan namin kung anong makakain nating prutas mamaya." Paalam ni Victor.

"Sige po." Sagot ni Darlyn.

Aliw na aliw si Darlyn sa katahimikan ng paligid. Lalo na't nakikita nya na namumulaklak ang mga puno. 

Samantala, sa bahay naman ng mga Admiral..

"Lo, mamasyal na muna ako. Sasakay muna ako ng kabayo, matagal na akong di nakasakay eh." Paalam ni Benny.

"O sige, mamili ka ng kabayo mo d'yan sa kulungan. H'wag kang lalayo." Bilin ng matanda. Agad tumalima si Benny at pumunta sa kulungan ng mga kabayo. Isang kabayong puti ang kanyang pinili. Agad s'yang sumampa at dahandahang pinatakbo.

Narating ni Benny ang bahagi na pinapaligiran ng mga puno ng goma. Tahimik ang paligid at naririnig nya ang mga huni ng ibon at ang lagaslas ng tubig sa ilog. Tamang tama at dala-dala ni Benny ang kanyang camera. Bumaba ang binata sa kanyang kabayo. Sa mga puno naman, nakikita n'ya ang mga bahay ng bubuyog. Naisipan nyan kunan ng litrato. Hanggang napagawi sya sa ilog at malapit sa tulay.

Nakita ni Benny ang mga punong may mga bulaklak sa kabilang bahaging lupa, nagkainteres syang puntahan. Batid ni Benny na hindi na pag-aari ng mga Admiral ang kabilang bahagi, lakas loob lamang syang pumunta. Sa isip n'ya wala naman s'yang masamang gagawin kundi kumuha lamang ng mga larawan ng mga puno.

CLICK CLICK

Palinga-linga pa si Benny sa paligid. Ayaw din n'yang tumagal sa lupain na di nila pag-aari. Kuha ng kuha sya ng mga larawan. Hanggang sa nakita n'ya si Darlyn.

"Uy, si Ms. Masungit nandito pala." Agad naisipan n'yang kunan ng larawan ang dalaga. Nagkataong narinig ni Darlyn ang tunog ng camera kaya napatingin ito sa isang direksyon.

"Hi.." Napangiti pa si Benny nang tumingin sa kanya si Darlyn sabay kaway.

"Bakit nandito ka?" Natanong agad ni Darlyn.

"Hacienda Admiral ang katabi ng lupaing ito." Sabi ni Benny.

"Paki bura ng larawan ko. " Sabi ni Darlyn.

"Bakit ? Photogenic ka naman." Sabi ni Benny.

"Ayaw kong kinukunan ako ng larawan na walang pahintulot." Sagot ni Darlyn.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon