Chap. 5

1K 178 15
                                    

ELON'S POV

Shit! Nasaan ang mga damit ko? Paano ako makakalabas dito sa loob ng bodega gayung nasa labas sina Darlyn? Tawa ng tawa si Darlyn at ang dalawang mga kaibigan n'ya. Hindi kaya pinaglalaruan nila ako? Pusang gala naman! Anong napasok sa mga kukute ng mga tipaklong na 'to pati ako pinagdiskartehan? Paano ako makakalabas? Alangan namang magpapalamok ako dito.

Kitang kita ko pa na halos mamatay sa tawa ang tatlo sa nangyari sa akin.

"Elon...Elon..."

Narinig ko ang malanding tinig ni Ferdy. Kaya napasilip ako sa pinto ng bodega. Nakita kong bit-bit ni Ferdy ang mga damit ko.Bwisit naman! Talagang pinaglalaruan nila ako. Nakita kong papalapit si Ferdy sa bodega. Dumungaw ako sa pinto.

"Ferdy, akin na ang mga damit ko. Nilalamig na ako."

Dyaske! Umiling pa ang hinayupak. Kung hindi lang ako nahihiyang lumabas dahil nakatayo pa sina Kiray at Darlyn, malamang masisipa ko ng husto si Ferdy.

"Elon, gusto mong makuha etong mga damit mo?" Ang p***! inikot -ikot pa ang t-shirt ko. Winagayway pa ang brief ko. Umuusok ang ilong ko sa baklang 'to.

"Ferdy, ibigay mo sa akin 'yan. Kung hindi ipaparating ko ito kay Senior Lyndon." Agad ko nasabi.

"Mmmmm..come out and get it." Sabi pa n'ya.

"Ferdy, paano ako makakalabas kung hubo't hubad ako?" Tanong ko.

"So, ano sa tingin mo ang dapat mong gawin?"Balik tanong sa akin ni Ferdy.

"Ferdy, may trabaho pa akong gagawin." Pagpipilit ko sa kanya.

"Okay." Humakbang sya malapit sa pinto. Inabot ko ang aking kamay. Inabot nya ang damit. Nang akma kong kunin muli n'yang itinaas.

"Ferdy, please. Ibigay mo 'yan sa akin." Utos ko.

Muli na namang iniabot ni Ferdy, pero alam kong pinaglalaruan parin nila ako kaya naman hindi lang damit ko ang hinila ko maging ang kamay ni Ferdy at buong lakas kong hinila sya sa pinto.

BLAG

Tumama ang ulo ni Ferdy sa pinto dahilan nabitawan nya ang damit ko. Mabilis kong pinulot lahat. Habang sapo ni Ferdy ang kanyang noo.

"aWWWW..Ang sakit.." Sabi ng baklang kaibigan ni Darlyn.

"Ulol! Hindi ka masasaktan kung di ka sumang-ayon sa plano ng mga kaibigan mo." Singhal ko. Nang..

"Hala! Nagkabukol ako." Sabi nya. At hinarap ang mga kaibigan.

"Waaaa..Darlyn, nagkabukol ako. Paano na 'to baka magkakapasa na ako? Sasali pa naman ako sa Ms. Gay." Reklamo na ni Ferdy habang lumabas sa pinto.

"Ha ha ha ha ha..patay kang bata ka! Hindi kana magiging reyna." Sabi ko habang mabilis kong sinusuot ang brief at pantalon. Umalis si Ferdy at lumapit sa dalawang kaibigan.

"Girl, anong gagawin ko sa bukol ko. Dyahe?!!" Ngiyaw ng ngiyaw si Ferdy. Ako naman ngayon ang napapangiti ng todo.

"Ayan Karma 'yan sa kapilyohan ninyo! Mga sutil!" Sabi ko sa kanila. Nakita ko namang hinimas himas nina Darlyn ang noo ni Ferdy.

"Hoy, Elon nilaksan mo ang paghila sa akin. Paano na 'to ngayon?" Sabi ng gagong Ferdy.

"Bahala ka!" Sabi ko.

"Hoy, Elon anong gagawin namin sa noo ni Ferdy? Baka magkaroon ito ng internal injury." Sabi ng loka-loka na si Kiray.

"Internal Injury? Nek-nek n'yo!!" Bulyaw ko.

"Elon, binibiro kalang naman namin." Sabi ni Darlyn. Hinarap ko s'ya.

"Bakit nakakatuwa ba ang ginawa ninyo? Dapat ba akong tumawa at makisabay sa kalokohan ninyo? Hoy, h'wag n'yo akong pagtripan. " Dinuro ko sya. Ni isa sa kanila ay wala nang sumagot.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon