Agad napabangon si Darlyn, hindi naman agad kumilos si Elon. Nang tumayo si Darlyn hindi malaman kung anong sasabihin sa binatang nakahiga sa kanyang kama. Nanatiling nakatitig si Elon sa kanya.
"Darlyn.."
Narinig nilang pareho ang pagtawag ni Aling Adeng. Mabilis na bumangon si Elon, natataranta naman si Darlyn na ligpitin ang mga magazines na kanyang binili. Inilagay nya sa ilalim ng kanyang unan. Nakapamaywang na lamang si Elon na pinagmamasdan si Darlyn na natataranta.
Mabilis naupo si Darlyn sa gilid ng kama at kunwari tinikman ang juice.
"Darlyn.."
Sumenyas si Darlyn na lumayo si Elon kaya agad tumalima ang binata. Tamang tama at dumating si Aling Adeng.
"Darlyn, kukunin ko ang mga damit mong labahin." Paalam ng matanda.
"Ah, sige--po..Ya." Sabi ni Darlyn na nauutal.
"May ipag-uutos pa po ba kayo Senyorita?" Sumingit agad si Elon. Batid ng binata na kinakabahan parin si Darlyn.
"W-wala na. Sige umalis kana." Sabi ni Darlyn.
Napangiti lamang ng lihim si Elon at dahan dahang lumabas ng silid. Nang makuha ni Aling Adeng ang mga damit..
"Darlyn, akin na ang mga unan. Papalitan nating ang mga punda't kumot." Mabilis lumapit ang matanda. Nanlaki ang mga mata ni Darlyn nang akmang kukunin na sana ng matanda ang unan, kaya mabilis pa sa alas-sinco pinigilan ni Darlyn.
"H'wag po Ya, hindi naman po mabaho eh. Bukas nalang po." Agad napaisip ng idadahilan ang dalaga.
"Aba, himala at ayaw mong palitan ang punda ng mga unan mo. Dati rati gusto mo kada Lingo papalitan ang punda ng unan mo pati ang kumot. Anong nakain mo?" Pagtataka ng matanda.
"Gusto ko po 'yong amoy ng shampoo ko na naiiwan sa punda ng unan kaya ayaw ko pa pong palitan." Pagsisinungaling ni Darlyn ng todong todo.
"Sige, ikaw ang bahala." At umalis din ang matanda. Saka lamang nakahinga ng maluwag si Darlyn. Pero nang masigurado n'yang wala na ang matanda napangiwi ng husto ang dalaga at napatakip ng mukha sabay ang pagpapadyak ng kanyang mga papa sa sahig. Muling sumagi sa isipan nya ang nangyari sa kanila ni Elon. Hindi n'ya maunawaan at hiyang hiya sya sa binata.
"Waaaaaaa..nakakahiya!!! Argh!! bakit ba itong nangyayari sa akin? Tapos si Elon pa ang nakatuklas. Ano na namang iisipin n'ya? Nakakahiya!!!" Napahiga sa kama si Darlyn at tinakpan ng unan ang sariling mukha. Kulang nalang iuntog nya ang kanyang ulo sa headboard ng kama.
KRING KRINGGGG
Agad sinagot ni Darlyn ang tawag. Isang tawag galing kay Ferdy.
" Ferdy, mabuti tumawag ka. Waaaa, isa na namang kapalpakan ang nangyari sa akin." Sumbong ni Darlyn.
( Bakit na naman? )
"Si Elon nadiskubre n'yang nagbabasa ako ng Erotic magazines."
( What??!!)
Gulat ang kaibigan ni Darlyn sa kabilang linya at biglang tumawa ng malakas si Ferdy.
( Paano nangyari 'yon? Bakit mo naman naisipan ang ganung bagay? )
Kaya napilitang naikwento ni Darlyn ang dahilan kung bakit sya bumili ng mga malalaswang magazines.
"Ferdy, gusto kong maagaw 'yong magazines na hawak hawak nya. Itinataas kasi nya pilit ko namang inaabot; kaya nawalan sya ng balanse at maging ako rin. Kaya sabay kaming natumba. Napahiga sya sa kama at ako naman ay nakadagan sa kanya." Kwento pa ni Darlyn. Lalong tumawa si Ferdy.