Chap. 27

782 157 93
                                    

Agad napabitaw ang kamay ni Darlyn sa kamay ng binata. Kanya-kanya silang napalingon sa ibang direksyon. Napakagat ng labi si Benny. Si Darlyn naman ay napakunot ng kanyang noo.

"Argh! nakakahiya ang naging reaksyon ko." Lihim na nasabi ng dalaga.

"Great! this is unexpected." Sa isip din ni Benny sabay lingon ng kunte sa dalaga. Inilayo ni Darlyn ang kanyang kamay. Para bang natatakot  na mahawakan.

Muling bumalik ng normal ang takbo ng eroplano pagkalipas ng ilang sandaling pagkaalarma ng mga pasahero.

"What's the problem?" Tinanong ni Don Felipe ang crew ng eroplano.

"No need to worry, Sir. Pumasok lang po ang eroplano sa makapal na ulap. Everything is fine. " Sagot ng crew sa matandang Admiral.

"Pinapakaba n'yo kami." Sabi ng matanda at halatang kabado sa nangyari. Ngumiti lamang ang stewardess.

"Ehem.." Kinuha ni Benny ang atensyon ni Darlyn. Nais lamang n'yang may makausap habang nasa biyahe. Ngunit tila walang pakialam si Darlyn. Nagbabasa lamang ng magazine ang dalaga.

"Ehem.." Inulit ni Benny. Sabay sulyap kay Darlyn.

"Excuse me, Sir. Do you want some Honey Tea for your cough?" napatanong ang stewardess.

"Ahh.." Napatingin si Benny sa katabi, saka lamang n'ya nahuli na napatingin si Darlyn sa kanya.

"Sir.." Sabi ng stewardess.

"Yes, please." Agad na sagot ni Benny.

"Miss, I want a cup of Pomegranate Tea, please." Sinabi ni Darlyn.

Agad napatingin ang binata kay Darlyn nang marinig na nagsasalita naman pala ang dalaga.

"Marunong ka palang magsalita. Akala ko Pipi ka o kaya bingi." Sabi ni Benny.

"Hindi tayo CLOSE para kausapin kita." Sabi ni Darlyn.

"Miss, magkasama tayo sa loob ng eroplano. Alam ko iisa lang ang pupuntahan natin. I think it's not bad to talk with your fellow passengers. And I'm the nephew of the owner of this plane." Pinakilala ni Benny ang sarili.

"And so? Ano pang  interesting things na pwede mo pang sabihin sa akin maliban sa pamangkin ka ng nagmamay-ari nitong eroplano?"Tanong ni Darlyn.

"Apo ako ni Don Felipe." Sagot naman ni Benny.

"Ohh, really. How about with yourself? Anong interesting things na pwede mong sabihin sa akin?" Muling tanong ni Darlyn.

"I love art. In fact, I am a sculpturist." Pinagmamalaki ni Benny kay Darlyn.

"Ahh, ganun. What else?" Tanong ni Darlyn.

"I am an Art teacher. I teach art in..." Sabi ni Benny ngunit agad pinutol ni Darlyn.

"Okay. That's enough information to know you. " sabi ni Darlyn.

"Tell me your name." 

"I'm Darlyn." Sagot ng dalaga.

"Darlyn..nice name. Pinagsama ba ang pangalan ng mga magulang mo?" Tanong ni Benny. Sabay nilahad ang kanyang kamay upang makipagkamustahan sa dalaga ngunit tinitigan laman ni Darlyn ang kamay ni Benny. 

"Yeah." Pilit na ngiti agad ang reaksyon ng dalaga.

"Uso talaga ngayon ang mga kombinasyon ng mga pangalan. Yong tipong love team ang dating. O di kaya pahabaan ng pangalan, meron pa 'yong mga unique names. Pag ako nagkaanak ng dalawa, ipapangalan ko Charice/ Charl, tapos yong isa Germane/ Gerry para pag tawagin ko silang sabay CHARGER." Untag ni Benny.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon