Chap. 31

683 161 36
                                    

AN : Alam ko may di na makatulog sa pangyayari..Hwag masyadong atat. MATULOG DIN KAYO. Marami pang mangyayari.

=====♡♡♡♡====

Umaga, nagsama samang kumain sina Lyndon, Nena, Elon at Ellan. Kapwa walang imikan ang dalawa. Napuna naman nina Lyndon at Nena ang nangyayari sa mag-asawa, kaya naman tinitigan ni Lyndon ang dalawa.

"Elon..Ellan..ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Ang aga-aga para kayong Semana Santa. Napaka tahimik ninyo. Kayong dalawa ano man ang problema ninyo kailangan pag-usapan ninyo. H'wag n'yong patagalin. Hindi maganda na ang ganda ng sikat na araw sinasalubong ninyo ng walang ngiti. Tinataboy ninyo ang swerte na pumapasok sa inyo." Sabi ni Senyor Lyndon.

Kapwa paring tahimik ang dalawa. Nagkakatapunan lamang ng titig. Kalma lamang si Elon ngunit si Ellan ay nakasalubong parin ang kilay. Dahilan napansin ng ama.

"Ellan, h'wag kang tumitig ng ganyan sa asawa mo. Alam mong may mga transaksyon ang asawa mo sa kanyang trabaho, kailangan bigyna mo ng magandang ngiti. Upang tuloy tuloy ang pasok ng grasya sa inyo. Alam mo kahit nagkakatampuhan kami ni Darlyn o galit si Darlyn sa akin noon, hindi n'ya hahayaang nakasimangot sa harap ko. Tatahimik lamang sya." Dagdag pang sinabi ni Senyor Lyndon.

"Hindi po ako si Darlyn. Magkaiba kami." Sabi ni Ellan sa ama.

Napatingin si Senyor Lyndon sa anak maging si Elon.

"Ano bang pinuputok ng butsi mo Ellan?" Gusto nang malaman ni Senyor Lyndon ang dahilan.

"Papa, si Darlyn po pa ay pinapayagan ninyong may hihiga sa kanyang kama na isang lalaki dito sa loob ng pamamahay ninyo? Hinahayaan n'yo ba syang makaharap ang mga lalaking model na nakahubad sa harapan n'ya? " Tanong ni Ellan.

"Ellan, alam ko ang trabaho ni Darlyn. Hindi na ako magtataka na makakita sya ng mga hubo't hubad na mga lalaki dahil parte 'yan ng sining. Hindi lang naman lalaki ang humuhubad sa harapan n'ya kundi maging mga babae din. Alam ni Darlyn kung anong ginagawa n'ya. Bakit mo nga pala nasabi 'yon?" Natanong na ni Senyor Lyndon ang anak.

"Pumasok po ako sa kanyang silid at nahiga ako sa kanyang kama. Kinuha ko po ang isang unan at niyakap. Nalanghap ko po ang amoy ng pabango. Hindi po pabango ng isang babae kundi ng isang lalaki. Nagulat lamang ako dahil pamilyar ang amoy na nalanghap ko sa unan..Katulad sa pabango ng asawa ko." Sumbong ni Ellan. Kaya naman napatingin si Senyor Lyndon kay Elon.

"Elon?" Napatanong si Nena.

"Mama, pumapasok ako noon sa silid ni Darlyn pag inuutusan ako ni Nanay Adeng na dalhin ang mga pagkain ni Darlyn o mga package na dumarating dito. Madalas nagkakaroon ng mga session sa studio noon. Halos mga nude painting ang nagagawa ni Darlyn. Ginagamit pa nga minsan na props ang mga gamit sa kanyang kwarto. Malamang ginamit ng isang lalaki ang unan na 'yon. Nagkataong magkatulad kami ng pabango, at di napalitan ang unan ." Paliwanag ni Elon.

"Oo nga naman, may pabango kami na magkatulad ni Elon." Nasabi ni Senyor Lyndon.

Lalong uminit ang ulo ni Ellan. Pakiramdam n'ya nakakahiya ang kanyang reaksyon laban sa asawa dahil sa maling hinala. Hindi naubos ni Ellan ang kanyang pagkain, agad itong tumayo at umalis.

"Ano bang nangyayari sa kanya?" Napatanong si Senyor Lyndon kay Elon.

"Tila nagseselos po sya dahil sa naamoy nya sa unan." Sagot na lamang ni Elon. Napabuntong hininga si Senyor Lyndor sa pinakita ng anak.

"Unawain mo na lamang sya Elon, dala 'yan ng kanyang pagbubuntis." Sabi ni Nena. Tumango narin si Elon. Habang sa labas ng bahay naman..

"Ahhh!! hindi talaga naaalis sa isipan ko ang unan na 'yon. Simula palang pagtungtong ko sa bahay na ito; alam kong kakaiba na ang nangyayari kay Darlyn. At maging si Elon ay kakaiba ang mga reaksyon. Kung talagang walang namamagitan sa kanila, bakit parang kakaiba ang titig ni Darlyn sa asawa ko? Lintek, wala akong makitang katibayan na meron ngang milagro sa kanilang dalawa. Alam kong may alam ang mga kasambahay dito. Ayaw lang magsalita." Napapaisip si Ellan.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon