Chap. 2

1.7K 198 27
                                    

DARLYN'S POV

Home sweet home. Talagang namimiss ko ang bahay namin. Mabuti nalang umuwi sina Ferdy at Kiray babalik nalang daw mamaya; sinama na nila 'yong ibang mga kababata namin. Hayss, wala parin silang pinagbago.

Agad akong pumasok sa loob ng aking silid, sabay takbo sa aking queen size na kama. Sabay higa. Gumulong gulong. Tumayo ako at sabay lundag ng lundag .

"Weeeeee!!!"

Nakita ako ni Yaya Adeng, habang inaayos naman ang mga gamit ko. Maging sya ay natatawa sa ginagawa ko. Yes, I'm still a kid. Kung sabagay I'm just 18. Maging ang silid ko ay napapalibutan ng mga posters ng mga animated characters. Kaya pinili ko rin ang kursong Bachelor of Animation. Kumuha lang ako ng kursong ito para naman meron akong paghahawakan balang araw. Ewan ko ba, ang labo parin ang isipan ko. Hindi nga sangayon si Papa sa napili kong kurso. Eh ano pang magagawa n'ya? Isinilang ako na may talento sa art.

"Tama na ang kakalundag lundag mo d'yan. Mabuti pa, magpahinga ka muna. Malayo 'yong biniyahe natin kanina." Untag ni Yaya. Pero binale wala ko. Takbo ako ng takbo. Sa loob ng aking silid; ay meron pang isang pinto para sa aking PLAY ROOM. Oo, sa loob ng play room ko nandoon ang mga mahahaling koleksyon ko ng porcelain dolls galing pa sa ibang bansa. Mga head ornaments tulad ng Binyeo na yari sa ginto, ay meron sa koleksyon ko.

( Binyeo - a Korean traditional hairpin for fixing womens chignons. This hairpin is sometimes made of gold with precious stones.)

Gayun paman, nalulungkot parin ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gayun paman, nalulungkot parin ako. Bakit? Lalo na tuwing mag-isa lang ako dito sa bahay at walang nakakausap. Mas gugustohin ko pang tumambay sa labas; lalo na sa bahay nina Ferdy at Kiray. Doon naaaliw ako sa mga nakakatawang kwento. Minsan naiinggit ako, simpleng buhay lamang ang kinagisnan nila pero masaya. Ako, simula namatay ang aming ina; binuhos ni Papa ang sarili sa trabaho. May malaking kompanya ang pamilya ni Papa at isa s'ya sa nagpapatakbo. S'ya ang Head Director ng isang malaking Luxury Resort dito sa Guatavala. Hawak din ng pamilya namin ang Agriculture at Finance Company dito sa syudad.

Sana naman hindi na sya maging epal sa mga kagustohan ko. Ayaw kong magkasamaan pa kami ng loob. Kung bakit kasi hindi nya matanggap na iba na ang panahon ngayon. Argh! Kulong parin sya sa panahon nila. Kung nabubuhay lang sana si Mama, siguro hindi magiging ganun si Papa.

Pero pinagtatakhan ko lang, hindi kaya nalulungkot din si Papa? Kung sabagay, lalaki si Papa at may pangangailangan. Siguro ayaw lang n'ya na magkaroon ng karelasyon kasi natatakot din sya sa amin. Mabuti nalang rin dahil ako mismo ang kikilatis ng husto. Pero minsan sinabi nya..

"Wala akong iuuwi dito sa pamamahay natin na ibang babae. Bahay ninyo ito; at balwarte ng inyong ina."

Mabuti naman at naisipan n'ya 'yon. Kung istrikto sya sa akin; pwes, mas istrikto ako kapag merong papasok na iba sa bahay na 'to.

"Yaya, wala bang ibang tao na pumapasok dito?" Tanong ko.

"Wala. Ako lang naman ang naglilinis nitong silid mo. Dahil alam ko nandito ang mga koleksyon mo." Sagot nya.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon