Napaisip ng husto si Elon sa tawag ni Lucy. Napaisip din s'ya sa kanyang naibigay sa kanyang recipient.
"Isang araw makikilala ko din ang recipient ko at si Madame Butterfly. Alam kong may ugnayan sila sa mga Admiral, at hindi ako basta bastang makalapit sa kanila. Gayun paman sisikapin kong makakuha ng pagkakataon na magkaharap kami."
Naisip na lamang ni Elon.
Muli s'yang pumasok sa loob ng bahay, nakita n'yang masayang nag-uusap ang tatlo.
"Elon, dito kana lamang sa Guatavala maghanap ng trabaho." Nasabi ni Kiray.
"Oo nga. Mas maigi kung sa kompanya tayo nina Darlyn mamasukan." Nasabi ni Ferdy.
"Ha?" Nagulat si Elon.
"Meron nang tutulong sa atin. Nandito ang isa sa mga tagapag mana si Darlyn." Tinuro ni Ferdy si Darlyn.
Napakamot ng ulo si Elon.
"Nakakahiya na talaga eto kung hanggang sa pagtrabaho ko eh si Darlyn parin ang tutulong." Sagot ni Elon.
"Lubusin na ninyo para tuloy ang LIGAYA." Sadyang matabil ang bibig ni Ferdy. Kaya naman siniko ni Kiray ang kaibigang bakla.
"Pakialamero ka? Direktor ka ba ng pelikula para ikaw ang magtuturo kung anong gagawin nila?" Tanong ni Kiray.
"That's my suggestion." Mahinang sagot ni Ferdy.
Napayuko si Darlyn. Napakagat ng labi si Elon.
"Siguro mas maganda kung subukan ko munang mag-apply sa iba." Sagot ni Elon.
"Saan? may kompanya din ba ang pamilya ng syota mo?" Natanong muli ni Ferdy.
Napakunot ang noo ni Kiray. Lalong nahigh blood kay Ferdy.
PAK
"Masakit di ba? Yong bibig mo paki tikum." Bulong ni Kiray.
Nahuli naman ni Elon ang lahat kaya..
"Yeah, napag-usapan namin ng girlfriend ko na doon kami mamasukan ng trabaho sa kompanya ng ama n'ya." Sagot ni Elon.
"Ayy, bigatin din pala. Ang haba ng nota mo Elon..daming nahuhumaling. May gold yata sa dulo. Patingin naman." Nasabi ni Ferdy.
Napakunot ang noo ni Kiray.
"Well, doon pwede kang simpleng empleyado pero sa kompanya nina Darlyn pwede kang maging owner ha ha ha ha.." Ayaw matigil si Ferdy.
"Ferdy, kung nasaan ang kaparte ng puso doon susunod. H'wag pilitin ang hindi KA-MATCH." Naasar ng husto si Kiray.
"Ehem..that's enough." Saway na lamang ni Darlyn. Ayaw ni Darlyn humaba ang usapan.
Umirap na lamang si Kiray.
--------------------------------------------------------------------------------
Habang papalapit na ang Graduation ni Elon, naging abala naman si Darlyn dahil..
"Elon, busy ako ngayon, kasi sasali ako sa isang Exhibit." Pinaalam ni Darlyn sa binata.
"Okay. Pero ayaw kong mapapagod ka. Baka naman sa araw ng graduation ko magkakasakit ka pa. Please, be there. I want you to be part of that day. Hindi lang naman sa mga magulang ko pinaghandaan ito..PATI SA 'YO. Kahit na ba sabihin nating kalokohan o kabaliwan ang nagawa natin, magkasama tayo. Tinulungan mo ako upang mabago ang lahat sa akin. Darlyn, hindi nababayaran 'yon. At kahit kelan utang na loob ko ang lahat ng 'yon sa 'yo."
Sabi ni Elon.
"Elon, pinaligaya mo ako. Sobrang sobra. Hindi ko malilimutan ang ginawa ko. Libog ang umiral sa akin..ha ha ha ha ang landi ko talaga. Pero masaya ako dahil naabot mo ang pangarap mo.Oo, parte ako sa tagumpay mo. Salamat." Mapait na ngiti ang isinukli ni Darlyn.Niyakap na lamang sya ni Elon ng mahigpit.