Chap. 22

766 160 29
                                    

DARLYN'S POV

Halos di ko makaya ang sakit na nadarama ko. Hindi ko inakalang ganito ang mangyayari sa amin ni Elon. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko ngayon. Pakiramdam ko nawala ang lahat sa akin. Bakit? Bakit hinayaan ng Dios na magbago ang damdamin ko. Bakit hinayaan ng Dios na masaktan ako ng ganito? 

I don't deserve this. I'm not ready to face this kind of pain. Pakiwari ko tinakasan ako ng ngiti at halakhak..Gusto kong bumalik si Elon. Gusto kong bumalik ang taong nagbigay saya sa buhay ko..ang taong nagpaikot ng mundo ko. Ang taong nagbigay ng saya na di mababayaran ng salapi. 

"Darlyn tama na ang pag-iyak mo. Sinabi naman namin sa 'yo noon na bantayan mo ng maigi ang puso mo. Mahirap ang masaktan. Hindi tayo pare pareho. Kailangan mong maging matibay. Malalim na ang lahat, hindi basta basta ang makaahon sa sakit. Nauunawaan ka namin." Sabi ni Kiray.

"Kiray, ano ba ang kulang sa akin? Bakit hindi ko nagawang baguhin si Elon? Bakit hindi ko nagawang agawin 'yong isipan n'ya. Sana manlang walang nabuo sa kanila ni Ellan, dahil merong lihim si Elon na relasyon. Sana man lang ako nalang ang nabuntis. " Hindi matigil ang luha ko.

"Darling, ninakaw lang ninyo ang sandali. Tsaka, wala ka sa puso ni Elon. Libog lamang ang meron s'ya sa 'yo. Alam mo, madaling magkunwari ang isang tao. Hindi man natin hinuhusgahan si Elon pero sa ngayon ganun ang maiisip natin." Paliwanag ni Ferdy.

"Ferdy, kung mabibili ang pagmamahal n'ya, tatapatan ko 'yon maging akin lang s'yang muli." Umiyak ako ng husto.

"Mali parin. Sinasaktan mo ang damdamin mo. Hindi sya bagay na aagawin mo. Dati nang may nagmamay-ari sa kanya. Pero palihim kang nakipaglaro. Sariling desisyon mo 'yon. Akala mo kakayanin mo kapag tapos na ang lahat, akala mo tatagal dito si Elon..makikita mo parin sya. Alam mo namang meron na sila dating plano ng syota nya. Sana noong nararamdaman mong nahuhulog ka sa kanya at pakiramdam mo na di mo sya kayang mawala; inunahan mo na ang syota nya. Umiral din kasi ang konsensya mo. Atras abante ang damdamin mo. Gusto mong gawing tama pero labag sa kalooban mo. Eto ngayon ang napala mo, MAWAWALA NA SI ELON SA BUHAY MO. Sabi mo noon, mag-i-enjoy kalang sa s*x ninyo ni Elon. Oo, nag-enjoy ka nga pero nagkaroon naman ng malalim na ugat. At hindi mo na kayang tanggalin. Darlyn, eto lang masasabi ko sa 'yo..NABUHAY KA NAWALA SI ELON NOON..MAKAKAYA MONG IBALIK ANG LAHAT NG 'YON KUNG TATANGGAPIN MONG HINDI SYA ANG PARA SA 'YO. AT MAGHIHINTAY KA NG TAMANG PANAHON NA MAGMAHAL NG IBA. Mananatiling lihim ang lahat..Tama na Darlyn, nasabi mo na sa kanya na mahal mo s'ya. H'wag mo nang isipin na sana sasabihin n'ya sa 'yo na mahal karin nya..kasi mas malalong masakit 'yon. Please, isipin mo ang mga taong nagmamahal sa 'yo. Tama na ang minsang kamalian hindi ba?" Sermon ni Ferdy.

Lalong naninikip ang dibdib ko. Gusto kong maibalik ang huling gabi na kumatok sya sa silid ko. Sana hindi ko nalang binigyan ng tuldok ang pinag-usapan namin.

ELON'S POV

"Elon, please come back. Patawarin mo ako kung nagmatigas ako sa 'yo. Elon, nagsinungaling ako. Akala ko madali lamang bitawan ang lahat sa atin. Pero niloloko ko lang ang sarili ko. Kailangan kita..kasi MAHAL KITA.."

Nabigla ako sa aking narinig. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Darlyn. Tanging pagsambit lamang ng kanyang pangalan ang aking nagawa. Biglang nawala sa isipan ko kung anong dapat kong sasabihin sa kanya. Lalo pa't biglang dumating si Ellan.

"Elon, kanina pa kita tinatawag. Tumawag si Mama sa akin. Pinaabot n'ya kay Papa ang tungkol sa ating dalawa. Hayy, sabi ni Papa masaya naman daw s'yang magkakaapo na sa akin. Si Mama naman napaka excited din. Akala ko nga magagalit sila sa akin eh. Hindi pala." Napangiti pa sa akin si Ellan. Ewan ko ba at di ko magawang ngumiti sa mga sandaling ito. Talagang di tumatakbo ng tama ang utak ko ngayon. Lalo pa't kakaiba ang boses ni Darlyn kanina. 

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon