Chap. 12

948 169 25
                                    

AN :WALANG EDIT.

Agad napatayo ang ina ni Jonna at lumapit sa dalawang lalaki. Agad gumuhit ang isang ngiti sa ina ni Jonna.

"Ma, kasama pala ni Sam ang kaibigan n'ya, si Elon."

Tumango tango lamang ang babae. Nakipagkamayan naman sina Sam at Elon sa ina ni Jonna. Binaling ng tingin ng dalawang lalaki ang pasyente.

"Bakit po ba nakabenda ang mukha ng kapatid ni Jonna?" Hindi napigilan ni Samson na tanungin ang ina ni Jonna.

"Ahmmm, nagsunog kasi ang mukha nya. Pero mababaw lang. Madadala pa ng surgery. Ngunit malaking pinsala ang natamo ng kanyang katawan. Malakas na pagbangga ng kanyang kotse sa pader kaya halos agaw buhay s'ya ng itinakbo dito sa hospital." Paliwanag ng ina ni Jonna.

"Natatakot nga kami kung anong kahihinatnan ng kanyang operasyon sa katawan eh. " Singit ni Jonna sa usapan.

Pasulyap sulyap ang ina ni Jonna kay Elon. Tila may nais na itatanong.

"Taga saan ka ba hijo?" Natanong ng ina ni Jonna kay Samson.

"Taga-Santa Inez po kami. Dito po kami nag-aaral sa Guatavala." Sabi ni Samson.

"Ahh, kaya pala." Tipid na sagot ng ina ni Jonna.

Niyaya ni Jonna ang dalawa na pumunta ng isang resto sa ibaba ng hospital.

"Jonna, mabuti naisipan mo kaming dalhin dito sa resto. Kanina pa ako nilalamig sa loob ng kwarto ng kapatid mo. Hindi sa lamig ng aircon kundi sa nanay mo. Kinakabahan ako eh." Pag-aamin ni Samson.

"Ha ha ha ha h'wag kang matakot kay Mama. Alam naman n'yang nililigawan mo ako at hindi naman sya istrikto. Tsaka, masaya pa nga sya dahil may nanliligaw sa akin." Sabi ni Jonna.

"Ibig sabihin papasa na ako sa 'yo?" Tanong ni Samson.

"Oo naman." Agad na sagot ni Jonna.

"Yahoooo!!" Napahiyaw sa di oras ang kaibigan ni Elon. Napangiti hanggang tenga si Elon. 

Napapalakpak pa si Elon sa kaibigan.

"Elon, salamat at ikaw yata ang swerte ko." Sabi ni Samson.

"Sam, wala akong dalang pampaswerte ikaw ang magaling dumiskarte kaya napasagot mo si Jonna." Sabi ni ELon.

"Mmmm..para ngang pati ang nanay ni Jonna natuklaw ng ahas kanina nang makita ka. Hindi naman nakatingin sa akin kundi sa 'yo. Eh ako 'yong nanliligaw sa anak nya. " Biro pa ni Samson.

"Tsk. Pati ba naman ako kasali sa eksena ninyo ni Jonna.  Hoy, alalay mo lang ako." Sagot ni Elon.

Natatawa lang si Jonna sa usapan ng dalawa. Pero biglang nalungkot ang dalaga.

"O bakit biglang nalungkot ang mukha mo?" Tanong ni Samson.

"Inaalala ko si Byron. Malaking pinsala kasi ang nangyari sa katawan n'ya. Natatakot ako." Pag-aamin ni Jonna.

"Manalig ka lamang sa Dios. Maaayos din ang lahat." Mahinang sabi ni Samson.

ligid sa kaalaman ng dalawa, napapaisip din si Elon sa ina ni Jonna. Pinagkibit balikat lamang n'ya.

----------------------------------------------------------------------

Sa bahay naman nina Darlyn..

"Arrg!! Nakakabagot dito sa bahay. Ayaw ni Yaya na lumabas ako. Nangangati ang mga paa ko. Wala naman akong gagawin dito. Tinatamad akong gumawa ng mga trabaho ko. Wala rin sina Kiray at Ferdy. Kung saan saan silang lupalop pumunta. Di ko naman matawagan ang mga kabaro ko. Dahil alam kong di nila ako isasama sa mga gimik nila dahil sa takot noon kay Papa. Anong gagawin ko? Hindi naman ako pwedeng pumunta ng kompanya namin at makipagchikahan sa mga kapatid ko dahil siguradong papauwiin din naman ako. This life is suck!"

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon