AN : H'WAG KAYONG MAGTATAKA KUNG PARATI SILANG SPG. GANITO TALAGA EH, PARA MAY PONDASYON ANG KANILANG LOVE TEAM.
----------------------------------------------------------------------
ELON'S POV
Mahimbing na ang tulog ni Darlyn nang iniwan ko s'ya. Dahan dahan akong lumabas sa kanyang silid. Sinigurado kong walang tao nasa sala ng bahay. Ayaw ko rin namang mabisto ang kalokohan ni Darlyn. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kasi napaka-curious n'ya sa sekswal na bagay. Kung sabagay ibang iba na nga ang mga babae ngayon. Normal na ang lahat pagdating sa s*x. Pero hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa akin. Kamakailan lang nakausap ko si Lucy Choo tungkol sa isang usapin na maging donor ako. Tapos sumunod si Darlyn. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga nangyayari. Hipokrito naman ako kung di ko aaminin sa sarili ko na masaya dahil magkakapera ako. Pinaunahan na ako ng bayad ni Lucy. Si Darlyn, sigurado na ako na malilibre ang pag-aaral ko. Kailangan ko lang tumbasan ang lahat ng suporta ni Darlyn. 'Yon lang ang magagawa ko. Malaking kasalanan man ito sa relasyon namin ni Ellan, pero parte ito ng pagsisikap ko na maabot ang pangarap namin. Ano ngayon? Kung matapos rin naman ang lahat..MAUUWI NARIN SA LIMOT.
Tinungo ko ang aking silid. Nang dumating ang isang text message.. Galing kay Ellan.
"I'm back. Sabi sa akin ng mga kaibigan natin nasa Guatavala kana raw. I miss you Babe. Gusto kitang sugurin d'yan."
Napalundag ang puso ko. Umuwi pala si Ellan sa bayan namin. Nasa Cebu kasi sya nag-aaral. Miss na miss ko na ang ELLAN KO. Matawagan nga..
KRINGGG KRINGG
( Hello. )
"Babe, kumusta?"
( Babe, nandito na ako sa Santa Inez. Kahapon lang kami dumating ni Mama. Sabi sa akin ng mga kapitbahay ninyo d'yan kana raw nagtatrabaho. Ikaw ha, di mo sinasabi sa akin ang mga balak mo. Araw-araw naman tayong nagti-text pero di mo nabanggit ang pag-alis mo sa Santa Inez. Naglilihim kana sa akin. )
"Pasensya kana. Si Tatay kasi minadali ako. Kailangan daw kasi ng driver dito sa bahay ng kanyang amo. Di ko rin naisip na sabihin sa 'yo 'tong pinasukan kong trabaho. Ayaw kong maistorbo kita. Tsaka isa pa, sobrang kulit mo."
( Babe, sana magkita tayo. )
"Babe, may pasok na ako eh. Yes, I'm back to school again." Masaya akong sinabi sa kanya.
( Good. By the way, kinausap ko ang Papa. Hiniling ko na talaga sa kanya na sa kompanya ka nya papapasukin pagkatapos mo ng college. )
"What? Nakakahiya naman."
( Mmmm..dapat lang 'no para merong magbabantay sa 'yo. )
"Ellan, thank you pero subukan kong mag-apply sa ibang kompanya. Nakakahiyang pumasok sa kompanyan ng ama mo na wala akong experience. Mabuti nang papasok ako d'yan kung marami na akong alam at nang walang masabi ang ama mo sa akin."
( Elon, h'wag mong isipin 'yon. Alam mo ba, kaya ko pinagpipilitan kay Papa na papasukin ka sa kompanya n'ya ay para matutunan nating pareho ang pasikot sikot..may makakasama ako. )
"Ellan, let me decide first okay. H'wag tayong magmadali." Sabi ko.
( Matagal na nating pinag-usapan ito Elon. )
"Yeah, I know. Pero syempre, ayaw ko ring may masabi ang ama mo sa akin. "
( Sige na nga. Teka nga muna, ako naniniguro lang..baka mabalitaan ko nalang may babae ka d'yan sa Guatavala. Elon, kakalbohin kita pag nagkataon. Ako seryoso sa relasyon natin. 'Yong pangarap nating dalawa laging nakatatak sa utak ko. Pinagmamalaki kita sa ama ko. )