Chap. 18

930 158 25
                                    

Maagang bumiyahe sina Elon at Senyor Lyndon pabalik ng Guatavala, napansin naman ni Elon ang pagiging tahimik ng ama ni Darlyn.

"Elon, diretso nga muna tayo sa Kompanya. Mag-uusap muna kami nina Jerome at Biao para sa lakad naming mag-ama papuntang Europe. Umuwi kana lamang sa bahay." Sabi ng ama ni Darlyn.

"Opo, Senyor." Tipid na sagot ni Elon. Ang totoo ay gusto nyang makaharap si Darlyn.

"Kagabi pa ako napapaisip sa kanya. Kung bakit kasi hinamon ko pa ng titigan kagabi. Napaluha tuloy. Pero bakit n'ya pinatay ang cellphone nya? Hay, umatake na naman siguro ang melodrama ng babaeng 'yon. Makapunta na nga agad sa silid nya mamaya. Siguro tulog mantika na naman 'yon." Napapangiti pa si Elon.

Hinatid nito ang ama ni Darlyn sa kompanya nang makarating sila ng Guatavala. Tamang tama at 9am na.

Agad namang pinatakbo ni Elon ang kotse pauwi ng bahay.

"BEEEP BEEEEP

Pinagbuksan ni Susan ng gate ang binata. Sinalubong sya ni Aling Adeng.

"Elon, nasaan si Senyor Lyndon mo?"

"Ahhh, nagpahatid po sa kompanya. May pag-uusapan po daw sila ng kanyang mga anak tungkol sa pagpunta nila ng Europe na mag-ama." Sagot ni Elon.

"Kumain kana ba?"

"Hindi pa po." Agad na sagot ni Elon.

"Sige pumasok kana at ipaghahanda ko ang pagkain ninyo ni Darlyn." Sabi ng matanda.

"Nay, nasa likod ng kotse 'yong mga pinadalang gulay galing kina Nanay at Tatay. " Inilabas pa ni Elon ang mga gulay na ipinadala sa kanya.

"Naku, nag-abala pa ang mga magulang mo." Sabi ng matandang mayordoma.

"Gising na po ba si Darlyn?" Kunwaring tanong ng binata.

"Ahhh, wala pa. Alam mo naman 'yon tulog-mantika. Sige na pumasok kana sa loob. kami na ang bahala dito."Sagot ni Aling Adeng.

"Sige po, magpapahinga ho muna ako. Madaling araw kasi kaming umalis ni Senyor kanina." Sagot ni Elon. Kaya nagmadaling pumasok sa loob ng bahay ang binata. Ngunit hindi ito dumiretso sa kanyang silid. Bagkus, umakyat ito patungo sa silid ni Darlyn. Dahan dahan s'yang naglakad patungo sa silid. Dahan dahan n'yang binuksan ang pinto.

KREEEEKKK

Nakita n'yang nasa kama parin ang dalaga at walang kamuwang muwang sa paligid. Sarap na sarap ang tulog ni Darlyn. Hinagod ng tingin ni Elon ang katawan ni Darlyn. Hindi n'ya parin lubos maisip na sya ang nakauna sa dalaga. Hindi nya lubos maisip na maangkin nya ang bunsong anak ng kanyang amo. Hindi nakakumot ang dalaga kaya naman kitang kita ni Elon ang makinis at maputing binti't hita ng dalaga. Hindi mapigilan ni Elon ang kanyang kapilyohan. Dahan dahan nyang pinalakad lakad ang kanyang daliri mula sa paa ni Darlyn. Suot suot parin ni Darlyn ang kanyang t-shirt. Walang malay parin si Darlyn. Nang marating ni Elon ang lacy panty ni Darlyn napaatras ang kanyang daliri.

"Mmmmmmm.." Napadilat si Darlyn ng dahan dahan.

Umupo si Elon sa tabi ng dalaga.

"Good morning, Darling."

"Elon.."

Babangon sana si Darlyn nang biglang hinalikan ni Elon ang dalaga. Sabay yakap ng mahigpit at binuhat ang katawan ni Darlyn.

"Mmmmmm...mmmmwhaaaaa.."

Parang nabuhay ang diwa ni Darlyn sa ginawa ni Elon.

"Bumangon kana at sabay tayong kumain." Sabi ni Elon.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon