Sumunod na araw, halos ayaw lumabas ng silid si Darlyn. Ayaw n'yang masilayan ang pagmumukha ni Elon. Hindi n'ya maunawaan sa kanyang sarili at asar na asar sya sa pinapakitang pag-uugali ng binata. Pasilip silip pa sya sa bintana at sa labas ng pinto kung makikita si Elon.
KRRROK KRRROKK'
Nagsimulang humilab ang tiyan ng dalaga. Tanda na s'ya ay gutom na. Napasinghap si Darlyn kailangan n'yang kumain. Kaya napilitan syang lumabas ng silid.
"Ya.." Hinanap nya ang kanyang Yaya Adeng.
"Gising kana pala. Aba alas-dyes na at ngayon kalang lumabas sa iyong silid." Sinalubong sya ng kanyang Yaya.
"Pasensya na 'Ya, matagal akong nakatulog kagabi dahil kailangan kong matapos agad 'yong painting ko. " Paliwanag ni Darlyn.
"O sige, mabuti pa pumunta kana sa kusina at nang makapag-almusal ka." Sabi pa ng matanda. Kaya naman tumalima ang dalaga at tinungo ang hapag-kainan. Agad naupo si Darlyn at napalinmgon sa paligid. Hindi nya nakita si Elon. Ilang sandali lang dumating ang kanyang Yaya at inihanda ang kanyang pagkain.
Hindi napigilan ni Darlyn ang sarili agad kumain ang dalaga. Sarap na sarap sya sa relyenong bangus na nasa kanyang harapan. Nagkataong napadaan si Elon. Napansin ng binata na sarap na sarap ang kain ng dalaga. Napatingin pa si Darlyn kay Elon pero hindi man lang inimikan ang binata. Diretso lang ang lakad ni Elon.
"Aba, ang dami mo nang nakain na kanin ngayon. Himalang magana kang kumain." Napansin ng matanda.
"Ya, ang sarap ng isda." Tuloy tuloy ang subo ni Darlyn. Nakangiti naman hanggang tenga si Aling Adeng.
"Masarap ba? Sige tuloy mo ang kain. Sadyang masarap talaga 'yan. Matyagang ginawa 'yan ni Elon kanina. Madaling araw s'yang gumising eh." Masaya pang sinabi ng matanda.
Biglang napahinto ng kain si Darlyn at agad uminum ng tubig. Tamang tama at naubos na nya ang isda at kanin. Panandaliang napahinto si Darlyn at pakuway tumayo.
"Tapos na ako 'Ya." Sabi ni Darlyn. Daling daling tumakbo sa silid ang dalaga. Diretso sa banyo.
Napaisip si Darlyn..
"Punyeta! Ang sarap ng kain ko kanina si Elon pala ang gumawa ng relyenong bangus. Argh! Hindi ko naman pwedeng dukutin ang lalamunan ko para mailabas ang pagkaing kinain ko. Shit! nakita pa naman nya ako kanina na takam na takam sa pagkain ng isda. Ano naman kaya ang iisipin ng gagong 'yon? Kagabi lang nagkasagutan na kami. Tapos ngayon ganito pa ang nangyari. Anong gusto n'yang palabasin? Kapal ng mukha ko." Sermon ni Darlyn sa sarili habang nakaharap sa salamin.
Habang sa kusina naman.
"Elon sa tingin ko hindi namagagalit si Darlyn sa 'yo. Sarap na sarap sya sa relyenong bangus na ginawa mo." Sabi ng matanda na natutuwa dahil maraming nakain si Darlyn.
"Mabuti naman po. Para namang tumaba ng kunte si Darlyn." Kaswal na sagot ng binata.
----------------------------------------------------------
Tinungo ni Darlyn ang kanyang mini-studio at doon ginugol ang mga oras sa kanyang pagpinta. Maya-maya lang ay muli s'yang dinalaw nina Kiray at Ferdy.
"Good afternoon, Princess." Sabay bati ng dalawang kaibigan ni Darlyn sa kanya.
"Kumusta ang araw n'yong dalawa? May lakad ba kayong dalawa ngayon? Isama n'yo naman ako." Sabi ni Darlyn habang patuloy ang kanyang pagpipinta.
"Darling, nasaan ang yummy n'yong kasambahay?" Tinanong ni Kiray si Darlyn.
"Ewan ko. Nagkasagutan nga kami kagabi eh." Sumbong ni Darlyn.
"What? H'wag mong sabihin galit parin sya sa atin?" Tanong ni Ferdy.