Chap. 11

849 165 22
                                    

Tirik na ang araw di parin nagawang bumangon ni Darlyn sa kama. Mahimbing parin ang tulog nya gawa ng sobrang kalasingan sa nakalipas na gabi.

ZZZZZZZZZZZZZZ ZZZZZZZZZZZZZZZ

"Darlyn, gumasing kana." Niyugyog ng matanda ang mahimbing na natutulog na dalaga. Nakatagilid ang pagtulog ni Darlyn, pinilit ng matanda na gisinging muli ngunit hindi parin nagigising.

"Nakuu, ang sarap buhusan ng mainit na tubig. Dyaskeng bata ito, nangangamoy alak. Hindi mawari kung anu-ano ang ininum. Namimihasa na dahil pwede na syang uminum ng alak. Mapapagalitan ako nito ng ama n'ya." Inis na inis ang matanda. Nanggigil na makurot ang dalaga. Dahil may inaalala pang trabaho si Aling Adeng iniwan si Darlyn at lumabas ng silid.

Nang lumabas ang matanda, napalingon sa may bintana ng sala. Nakita nitong nagwawalis sa labas ng bahay si Elon.

"Elon, halika ka nga dito." Tinawag ng matanda. Agad namang iniwan ni Elon ang trabaho.

"Ano po 'yon Nay?"

"Elon, pumasok ka nga sa mini-studio ni Darlyn at alisin mo ang kurtina. Mabigat ang kurtina at di ko maabot. Lalabahan kasi namin ni Susan." utos ng matanda. Tumalima naman si Elon. 

Pumasok si Elon sa loob ng silid. Inabutan n'yang mahimbing parin ang tulog ni Darlyn. Batid n'yang lasing na lasing parin ito. Pinagmasdan nya ng maigi ang dalaga. Pakuway napabuntong hininga. Dahan dahan s'yang lumapit sa bintana nang biglang kumilos si Darlyn. Napahinto agad si Elon at napatingin sa dalaga.

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz 

Tuloy tuloy ang paghilik ng dalaga. Nang napatihaya si Darlyn biglang  naningkit ang mga mata ni Elon. Gusto n'yang tumawa ng malakas pero pinigil ang sarili. Agad n'yang naalala na kunin ang kanyang cellphone at kunan ng video ang dalaga.

NGOOORRRR zzzzz ngoooorrrrkkk zzzz

Tawa ng tawa si Elon habang nilalapit ang cellphone. 

"Patay kang maldita ka sa akin. Meron na akong panakot sa 'yo." Natatawa si Elon sa kanyang naisip.

Lalo ikinatuwa ni Elon nang makitang tumutulo ang laway ni Darlyn habang tulog na tulog. Pigil ang paghagikhik ni Elon. Lalo pang ikinatuwa n'ya nang..

POOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOTTTTTTT

Umutot ng malakas si Darlyn. Kasunod pa ng..

POT POT POT.....

Pinigilan ng husto ni Elon ang kanyang bibig na di tumawa ng malakas. 

"Ha ha ha ha ha tulog mantika ka pala." Nasabi ni Elon ng mahinang boses kay Darlyn. Matagal bago tumigil sa katatawa si Elon. Naisip n'yang kunin ang kurtina. At nang lumabas sa silid di parin nawala ang ngiti sa kanyang mukha.

----------------------------------------------------------------

Pasado ala-una ng hapon nang magising si Darlyn. Nang bumangon sya napansin n'yang walang kurtina ang loob ng kanyang silid. Blangko ang isipan ni Darlyn kaya agad tumayo at lumabas sa silid. Inabutan nya ang matanda sa sala at nagbabasa ng dyaryo.

"Ya, kakain na po ako." Sabi ni Darlyn.

"Aba sa wakas gumising kana pala. Akala ko hindi na. Tatawag na nga sana ako ng Ambulansya kasi naisip ko naoverdose kana sa alak kagabi." Sarkastikong sinabi ni Aling Adeng.

Napasimangot si Darlyn.

"Sorry po." Mahinang sagot ng dalaga.

"Sorry? Sinadya mo naman kasi. Ikaw ha, para kang asong uhaw na uhaw sa alak. Darlyn, iwasan mo ang ganung bisyo. Pag ikaw nagkasakit, lalong maraming bawal ang maiisipan ng ama mo." Sermon ng matanda.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon