Chap. 3

1.3K 191 21
                                    

Sumunod na araw..

DARLYN'S POV

Halos ayaw kong lumabas sa loob ng aking silid. Ewan ko ba at naaasiwa ako kay Elon. Kung bakit kasi nangyari pa ang eksenang 'yon. Oh my God! Wala na akong maitatago sa kanya. Pero sa isip ko; tama naman si Ferdy, di dapat ako paapekto sa nangyari. Pero heto, napapaisip ako, magiging parausan ako ni Elon tuwing gabi..dahil MAGPAPANTASYA SIGURADO ANG MOKONG NA 'YON. Waaaaa!! Pakiramdam ko na-rape ako ng di oras. Ayaw mawala sa utak ko ang lahat lahat. Sana panaginip lamang 'yon.

KROOOK KROOOK

"Anak ng tokwa! Nagugutom mga alaga ko. Shit! Kailangan kong lumabas. Hindi pwedeng tatawag ako sa intercom at baka si Elon pa ang maghahatid ng pagkain ko dito sa silid. Ah, i-rerequest ko na lamang na si Yaya ang maghahatid. Tama."

BZZZZZ BZZZZZ

"Ya, nagugutom po ako. Pwede po bang dalhan nyo ako ng meryenda dito sa kwarto?" Sabi ko.

( Señorita, wala po Manang Adeng. )

Napanganga ako nang marinig ko ang boses ni Elon. Sabay ng pagpikit ko ng akong mga mata.

"Great! Kung sino pa ang taong iiwasan ko, s'ya pa ang nakatanggap ng tawag ko. Argh! Joke pa more." Reklamo ko sa sarili.

( Ako nalang po ang magdadala ng meryenda ninyo d'yan. Abala po kasi 'yong isang katulong. Nilabhan kasi ang mga kumot at mga kurtina. Nasa likod bahay po eh. )

Dagdag na sinabi ni Elon. Napalunok ako ng laway bago pa man ako nagsalita.

"Okay." Tipid ko sagot. Nang matapos naming mag-usap nasapo ko ang aking noo. Agad kong naisip na manuod ng pelikula. Kunwari ay nakafocus 'yong utak ko sa pinapanuod. Yes, ayaw kong mapansin nya na naasiwa ako. Pinalaksan ko ang volume ng tv. Pumwesto ako sa kama at naupo ng lutos position. Kinuha ko ang malaking unan at nilagay ko sa aking kandungan. Habang nagsisimula ang pelikula, mabilis kong pina-fast forward. Para sabihing nasa kalagitnaan na ako ng pelikula at talagang focus 'yong isipan ko. Ewan ko katangahan lang talaga itong nagagawa ko ngayon. Nakita kong pumihit ang door knob.

"Ayan na s'ya!!!" Sigaw ng isipan ko. Sabay lipat ko ng tingin sa tv.Kunwari di ko sya papansinin.

ELON'S POV

Magmula kaninang umaga hindi ko nakitang lumabas si Darlyn sa kanyang silid. Mabuti naman kung ganun. HINDI AKO PINATULOG sa nangyari kahapon. Parang pelikula lang na narereplay sa utak ko. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako kasi SWAK NA SWAK talaga 'yong sandaling nakita ko s'yang hubo't hubad. Ewan ko at talagang ayaw maalis sa isipan ko 'yong reaksyon ni Darlyn kahapon. Di ako nakatulog. Alam kong nahihiya sya. Pero wala namang nawala sa kanya. 'Yong ibang babae nga lalo pang tutuksuhin ang mga lalaki. Kung sabagay hindi naman papatol si Darlyn sa katulad ko. At hindi sya baliw upang pag-aksayahan ang panahon na makipaglokohan. May pagkapilya si Darlyn, malamang naging ganun sya kasi sagana sa pera, tsaka nakukuha nya ang lahat ng gusto nya. Mali rin kasi ang ama n'ya, hindi sya binibigyan ng oras at panahon. Kung bakit naman kasi laging umaalis ang ama ni Darlyn?

Kumuha ako ng makakain n'ya. Gumawa rin ako ng juice. Sinigurado kong hindi gaanong matamis. Kahit na batid kong mahilig si Darlyn sa matatamis. Halos lahat sa loob ng ref ay puro cakes, cookies, cholocolates at iba't ibang pastries. Kaya naman sabi ni Manang Adeng, sigurado mabubusog na naman ang mga kaibigan ni Darlyn. Dahil sabi ni Manang Adeng, laging bisita ni Darlyn 'yong kaibigan nyang bakla na si Ferdy at 'yong pandak na kaibigan nilang si Kiray. 'Yon iba naman daw na mga kababata ni Darlyn madalang naman kung bumisita dito. Natatakot kasi sa ama ni Darlyn. Ang maganda lang ay hindi namimili si Darlyn sa taong kakaibiganin. Maganda naman dahil marunong sya makisama. Ewan ko kung sa akin kaya ganun din s'yang makisama.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon