Chap. 34

1.3K 166 113
                                    

AN : I change my mind para lalong kakapit ang lahat sa inyong LOVE TEAM ha ha ha ha..SA NEXT CHAPTER ANG HIDDEN. KAPIT PA MORE!!!

---------------------------------------------------

Agad isinugod sa hospital si Ellan. Halos natataranta si Aling Adeng natawag si Señor Lyndon at si Nena. Nasa isang pag-uusap sina Señor Lyndon at Jerome nang dumating ang tawag ni Aling Adeng.

"Sir, emergency call po galing kay Aling Adeng. Mang nangyari po daw sa bahay ninyo." Agad pinaalam ng sekretarya. Mabilis na tinanggap ni Señor Lyndon ang tawag.

"Adeng bakit?"

( Lyndon, nasa hospital kami ngayon kasama ko si Ellan. Nadulas sya kanina sa sahig. Dinugo ang anak mo. Dios ko, Lyndon natatakot ako baka anong mangyari sa anak mo. )

Garalgal na boses ni Aling Adeng.

"Ano?!"

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang ama ni Ellan at agad tinigil ang pag-uusap nila ni Jerome.

"Anak, pupunta ako ng hospital. Nadulas raw si Ellan at dumugo. " Naranta din si Señor Lyndon dahil balita. Agad tinawagan nito si Nena.

"Nasaan ka ba? "

( Nandito sa Clinic. Magpapa- foot massage. )

"Lintek! Nena, bakit ka umalis ng bahay? Nasa hospital si Ellan."

( Ha? Bakit napano ang anak natin? )

"Nadulas raw sabi ni Adeng at dinugo. Kaya agad nilang sinugod sa hospital. Dapat di ka umaalis ng bahay. Alam mo namang kailangan ka ni Ellan. "

( Sorry. Sige, magkita tayo sa hospital.. )

"Bilisan mo."

Tila naiinis si Señor Lyndon sa ina ni Ellan.

"Papa, sasama na po ako sa 'yo." Sabi ni Jerome dahil nag-alala narin sa kanyang kapatid.

BROOOOOOOMMMMM

Samantala si Elon naman..

"Please sign this contract and we will prepare the transportation of your new car. Do you have any questions, Sir?" Tanong ni Elon sa kliyente.

"No, you've already explained everthing. " Sagot ng kliyente.

KRINGGG KRINGGGG

Agad sinagot ni Elon ang tawag. Tumayo ito at agad inasikaso ni Samson ang kliyente; inakala ng kaibigan ni Elon na si Ellan na naman ang tumatawag.

"Hello."

( Elon, nasa hospital kami. May nangyari sa asawa mo. )

"Ano po?"

( Nadulas sya kanina sa bahay. Inabutan ni Susan na nakaupo sa sahig. Sapo nya ang kanyang tiyan. Tapos dinudugo. Kaya agad naming itinakbo sa hospital. Paparating na ang ama ni Ellan at ina nito. Puntahan mo muna dito at kausapin ang doktor. Nasa loob pa si Ellan ng emergency room eh. )

"Opo. Darating ako d'yan."

Kinabahan ng husto si Elon sa balita. Agad n'yang kinausap si Samson.

"Sam, ikaw na muna bahala dito. Paki sabi kay Boss aalis muna ako. Nasa hospital si Ellan, nadulas raw at dinugo."

"Aba, puntahan mo na; ako nalang bahala." Sabi ni Samson kaya naman hindi na tumagal si Elon.

BROOOOOOOOOOMMMM

Mabilis na nakarating sina Jerome at Lyndon sa hospital, inabutan din nila si Nena. Sabay sabay silang tatlo pumunta ng Emergency room.

Sa labas ng pinto, nandoon si Aling Adeng. Hindi napapakali ang matanda.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon