AN: SA LAHAT NG READERS..PASENSYA NA KUNG PARATING MAY SPG. KUNG WALA PA KAYONG MGA ASAWA H'WAG MAG-ILUSYON NG SPG .
=================================================
Dumaan pa ang ilang araw, walang natanggap ng tawag o text si Elon. Inisip na lamang ni Elon na gawin ang trabaho at ituon ang sarili sa pag-aaral. Gayun paman, may mga sandaling hindi nya maiwasang di mapatingin sa kanyang cellphone.
"Hindi man lang s'ya tumawag o magtext sa akin. Siguro, aliw na aliw 'yon sa pamamasyal. Hindi naman siguro basta basta papayag si Darlyn na susunod sa kagustohan ng kanyang pamilya na maikasal kay Yumir. Alam kong hahanap ng maidadahilan si Darlyn upang mapigil ang lahat." Huminga ng malalim si Elon habang nakatingin sa painting ni Darlyn.
Naisipan n'yang tawagan si Ellan.
"Babe, kumusta ka? "
( Heto, kagagaling lang sa training ko. Ikaw? )
"Ahh, katatapos ko lang ng isang report. Gagawin ko naman ang kasunod."
( Elon, are you sick? Bakit matamlay ang boses mo? )
"I miss you."
( Mmmm..Bolero. )
"Ikaw ba namimiss mo ako? "
( Oo naman. Sobrang miss. Gusto ko na ngang hilain ang mga araw at mga buwan para dumating na tayo sa panibagong journey nating dalawa. )
"Nagmamadali ka ba? "
( Oo naman. Ang hirap kaya na malayo sa 'yo. )
"Ha ha ha ha Bolera karin. "
( Bakit ikaw ba hindi nahihirapan? )
"Mmmm..mahirap syempre. "
( Elon, talaga bang mahal mo parin ako? )
"Anong klaseng tanong 'yan? Syempre, Oo."
( Kasi iniisip ko, baka may nagbago na sa 'yo. )
"Ellan, hindi ako duwag sa pangako natin. Ngayon pa ba tayo aatras ilang hakbang nalang matutupad na ang pangarap natin. Ikaw ba mahal mo parin ako?"
( Oo. )
"Babe, alam kong marami akong pagkukulang sa 'yo. Hindi ko magawang punan ang lahat kasi nga hindi ako isinilang na sagana sa pera. Ang kaya ko lang ay magsumikap at mapatunayan na kaya kitang abutin kahit mahirap."
( Hu hu hu hu na-touch naman ako. Elon, h'wag mong pilitin kong hindi mo kaya. Hindi mo kailangan magpakahirap. Maghihintay ako sa 'yo. )
"Walang masama. Kailangan kong gawin. Di ba sabi nga nila, IF YOU WANT TO BE ON TOP; YOU HAVE TO WORK FOR IT."
( Yeah. We'll reach the sky together, there's no limit for us.)
Ngumiti si Elon. Pero sa likod ng kanyang isipan, ayaw n'yang maging anino lang ni Ellan balang araw. Kailangan nya gumawa ng sariling pondasyon, na walang ibang aasahan kundi ang kanyang sarili.
Mahigit isang buwan na walang natanggap si Elon na balita mula kay Darlyn. Maging sina Aling Adeng ay wala rin.
Hanggang..
"Elon bukas darating ng madaling araw sina Senyor Lyndon. Sunduin mo sila sa airport." Ang sabi ng matanda nang dumating si Elon galing paaralan.
"Ahh..Opo." Kaswal lamang na sagot ni Elon.
Kinabukasan nang madaling araw, maagang umalis si Elon at tinungo ang airport. Hindi nya mawari sa sarili kung anong balita ang kanyang maririnig mula sa pamilya Goya. Nang marating nya ang airport, kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ni Elon. Iniisip nya na baka kasama na ng mga Goya ang pamilya ni Yumir. Ilang sandaling paghihintay, nakita n'yang lumabas na ang mga kapatid ni Darlyn. Sinalubong din sila ng kani-kanilang mga sundo. Tulak tulak ang kanilang mga bagahe. Agad ding lumapit si Elon, nakita n'ya si Darlyn kasabay ng ama nito. Agad s'yang napalapit at binati ang kanilang amo.