DARLYN'S POV
Habang papalayo ang aming sasakyan, hindi ko parin mapigilan ang aking luha. Ayaw tumigil. Ito lang ang tanging paraan na alam ko ngayon; ang lumayo sa kanila. Hindi maiiwasan na di matutukso kaming muli ni Elon na balik balikan ang dating nakasanayan. Kahit paman sabihing masakit ang lahat sa akin, hindi ko mapigilan ang panunukso ng aking katawan. Nagdesisyon akong sumama kina Tito Vic, dahil alam kong hindi ko rin maiwasang magsalita ng di maganda sa aking ama. Aaminin ko sa aking sarili may kunting galit parin sa aking dibdib. Hindi ko alam kung kelan ito mawawala. Hahayaan ko nalang na malimutan ko ito. Kung babalik man ako sa pamamahay na 'yon, meron nang pagbabago.
"Darling, tama na ang kaiiyak mo. Tama ang naging desisyon mo. H'wag mong pahirapan ang sarili mo. Oo masakit ang nangyari sa 'yo. Akala ko pipigilan tayo ng iyong ama kanina. Mabuti nalang at hindi."
Narinig ko ang sinabi ni Tito Vic. Alam kong hindi sya kakalabanin ni Papa dahil may takot ang ama ko sa kanya kahit magmula pa noon. Tahimik na tao si Tito Vic ngunit masama kung magalit. Maging ako ay takot sa kanya. Ngunit kanina nang pumasok sya sa silid ko at kinausap ako, hindi ko na napigilan na di sabihin sa kanya ang totoo. Alam kong, tatahimik sya at ipaggigiitan nya kay Papa na kunin ako. Nakita ko sa kanyang reaksyon ang awa.
"You can't stay here, Darling. Habang nakikita mo sila lalo ka lamang masasaktan. Sumama kana sa akin. H'wag kanang tumagal dito. Anak, alam kong di mo kayang iwan ang iyong ama. Pero isipin mo ang iyong sarili. May lihim kayo ni Elon na tinatago. Habang maaga pa na wala silang nakikitang kakaiba sa inyong mga kinikilos ni Elon, umiwas kana. Siguro naman, tatahimik sina Adeng at Susan. Nasa panig mo sila. 'Yong mga kaibigan mo siguradong hindi rin sila pupunta dito pag wala ka. Maaring natatakot din sila sa kalagayan ni Elon kung sakali. Darlyn, pack up your things. We will leave right away. Hindi ko gustong sirain mo ang iyong sarili dahil sa nagawa ninyo ni Elon. Let's go." Tinulungan pa ako ni Tito Vic na mag-impake ng gamit ko.
Lagi lang akong nakatanaw sa labas ng bintana habang tumatakbo ang aming sasakyan. Hindi ko maunawaan kung bakit tila walang pumapasok sa aking isipan. Gusto kong makaisip ng ibang paraan na magpapagaan ng aking kalooban. Ang layo pa ng aming biyahe. Nadama ko ang tinding antok. Nais kong magpahinga. Kaya pinikit ko ang aking mga mata, umaasang paggising ko babalik sa tamang takbo ang lahat sa buhay ko.
ELON'S POV
Tila gusto kong habulin ang sasakyan kanina. Pigilan si Darlyn na h'wag umalis. Hindi n'ya kailangang lumayo. Kung merong dapat na lumayo o umalis sa bahay na ito walang iba kundi ako. Pwede ko namang hilingin kay Ellan na sa kabilang bahay kami titira. Pwedeng kong ipaayos ang bahay ng paunti-unti. Sasama s'ya sa akin sa ayaw nya't sa gusto. Kami naman ang mag-asawa kaya susundin nya ako.
Sa ginawa ni Darlyn, nabago ang aking desisyon. Dala narin ng mga nangyayari. Wala akong pakialam kung anong sasabihin ng pamilya ng asawa ko. Pero dapat kong gawin ang tama. HINDI KO KAILANGANG MATALI NG HUSTO SA PAMILYA GOYA.
-----------------------------------------------------------------------------
Narating na nina Darlyn ang bahay nina Victor. Sinalubong sila ni Rita. Nagulat nalang ang tiyahin ni Darlyn nang makitang tila di maipinta ang mukha ni Darlyn.
"Victor, anong nangyari? Bakit ganun ang ayos nitong bata?" Binaba pa ni Rita ang kanyang salamin. Lumapit kay Darlyn at hinapit ang ulo't pinasandig sa balikat.
"Mahaba ang kwento Rita. Sa loob na ng bahay natin pag-usapan." Sabi ni Victor.
Hinatid ng mga katulong ang mga gamit na dala ni Darlyn. Sa loob ng pamamahay ni Victor, may sariling silid si Darlyn na simula pagkabata ay kanya na. Sa kanilang magkakapatid, si Darlyn ang pinaka paborito ng mag-asawa. Aliw na aliw sila kay Darlyn lalo na't bibong bata ito. Tinuturing na ni Darlyn na pangalawang magulang sina Victor at Rita. Ang bahay nina Victor ang kanyang pangalawang tahanan.