Ilang minuto na ang dumaan nang umalis si Elon, hindi dinalaw ng antok si Darlyn. Naninibago s'ya na wala si Elon sa kanyang tabi. Kaya upang di n'ya maramdaman ang pag-iisa sa loob ng kanyang silid, kumuha sya ng alak sa kusina.
"Please, help me to forget him." Sabi ni Darlyn habang hawak ang alak. Kumuha sya ng baso at agad uminum. Dinala nya ang bote ng alak at ang baso sa kanyang silid. Inisip nyang baka makita sya ng matandang mayordoma at mapapagalitan.
Hindi pa man nangalahati si Darlyn sa bote ng alak, nakaramdam na sya ng pag-alon ng kanyang paningin. Umiiba na rin ang takbo ng kanyang isipan.
"Shit! Ang lakas ng tama ng alak na 'to. OKay pala 'to." Nasabi ni Darlyn.
Dahil pagod din ang katawan ni Darlyn, madali syang nagapi ng alak. Nakatulog si Darlyn.
Habang si Elon naman ay di nagawang inumin ang alak na kanyang dinala para sana kay Darlyn. Napahiga na lamang sya sa kanyang papag. Iniisip ang nangyayari sa kanila ni Darlyn. Sa sobrang pag-iisip ni Elon, hindi nya namalayan na nakatulog na rin sya.
------------------------------------------------------------------------
Madaling araw, nasa bahay na si Elon ng mga Goya. Hinanap nya si Aling Adeng. Inabutan nya ang matanda na naghahanda ng mga rekadong ihahanda para sa pagkain ni Darlyn.
"Elon, ang aga-aga pa ba't nandito kana? Wala ka namang trabaho ngayong araw." Sabi ng matanda.
"Ahmmm..Nay, wala naman po akong gagawin eh." Malamig na boses ni Elon.
"Umuwi kana muna sa inyo. Anong oras ba aalis ang mga magulang mo pabalik ng Santa Inez?"
"Mamayang alas-syete po ang unang biyahe. Nakabili na po dati ng ticket sina tatay at nanay." Sabi ni Elon.
"Elon, magpahinga kana muna. Hindi pa gising si Darlyn. Kailangan mo ng mahabang pahinga dahil aalis kayo ni Darlyn mamaya. Ihahatid mo sya sa venue ng Art Exhibit. Matagal uuwi si Darlyn. Balita ko may bidding pa mamaya ng kanyang mga paintings. Kaya sasama rin sina Kiray at Ferdy. Pupunta din ang sekretarya ni Senyor Lyndon mamaya upang tulungan si Darlyn sa mga bagong kliyente." Salita ng salita ang matanda ngunit nakatuon ang mga mata ni Elon sa labas ng pinto ng kusina.
"Sige po. Babalik nalang po ako mamaya. Ihahatid ko na lamang sina Nanay at Tatay sa terminal ng bus." Naisipan ni Elon. Kaya bumalik sya sa kanilang bahay.
"Elon, saan ka ba nagpupupunta?" Tanong ng kanyang ina habang naghahanda ng kanilang makakain.
"Sa kabilang bahay po." Tipid na sagot ni Elon.
"Teka nga pala, ano nga pala ang part time job na napasukan mo? Tila malaki yata ang pasahod sa 'yo at walang mintis ang pagpapadala mo ng pera sa amin." Napatanong ang kanyang ama.
"Ahhh..Delivery boy. Pagkatapos po ng klase ko pumupuslit ako sa tindahan ng pinagtatrabahuan ko." Sagot ni Elon. May kunting kaba rin syang nararamdaman. Sa loob ng ilang taon, nagpapadala ng pera si Madame Butterfly sa kanya. Hindi na nga lang inalam ni Elon dahil iba't ibang bangko nanggagaling ang mga naglilipat ng pera. Importante may pumasok sa kanyang bank account. Matipid naman si Elon kaya hindi n'ya nauubos ang perang natatanggap. Maliban pa sa suporta ni Darlyn. Maswerte nga s'ya kung tutuusin pero hindi sya masaya dahil may malalalim na dahilan ang mga bagay na 'yon.
"Anak, may susuotin ka ba mamaya? Pupunta ka sa Art Exhibit, siguradong mga malalaking tao dito sa Guatavala ang darating. Lalo na maraming kliyente si Darlyn. Pambihira si Darlyn nagpapalabas ng kanyang mga paintings sa publiko. Kaya umasa kang maraming aali-aligid sa kanya. Alerto ka Elon, bantayan mo ng maigi si Darlyn." Bilin ni Mang Pedring.