Chap. 17

979 157 32
                                    

Unang araw palang na umalis sina Elon at ang ama ni Darlyn, lumilipad na naman ang isipan ng dalaga sa kanilang muchacho.

DARLYN'S POV

"Hayyss, kung bakit kasi sinama pa ni Papa si Elon? Pwede namang tawagan nya 'yong isa sa mga driver ng kompanya nya. Wala tuloy akong makakausap dito. Si Yaya Adeng naman at Ate Susan nakatunganga sa TV. Puro Korean Drama ang inaatupag. Tapos silang dalawa lang naman ang nanunuod; silang dalawa rin ang mag-uusap tungkol sa pangyayari. Tsk, hindi ko naman basta-bastang mapapunta sina Kiray at Ferdy. Ayaw kong mamasyal kami ng Santa Catalina na di kasama si Elon. Alam kong hindi pa nakarating si Elon sa Santa Catalina, gusto ko s'yang maaliw sa mga papasyalan ko. Ayaw kong maisip ni Elon na walang kwenta akong makasama nya. Napapaisip din nga ako eh, ang swerte ng GF n'ya; may pangarap talaga si Elon sa relasyon nila. Pwede silang isabak sa MMK na drama o di kaya sa Jessica Soho. Tapos ako 'yong SECRET THIRD PARTY hahahahahaha..punyeta! gumagawa ako ng sarili kong character sa love life nila. Well, ano ngayon? Totoo naman, tinanggap ni Elon ang alok ko kapalit ng edukasyon n'ya..e di nasa MAIN CHARACTER din ako. Aba, malay rin ba ni Elon kung may extra activities din ang syota nya? Wala nang banal sa panahon ngayon, lahat ng tao may baluktot na pag-iisip. " Napapaisip si Darlyn. Para maiwasan n'yang maalala si Elon, tinuon nya ang sarili sa kanyang pagpipinta.

ELON'S POV

Sigurado ako matutuwa sina Nanay at Tatay sa pagdating ko sa Santa Inez. Mabuti nalang at naisipan ni Senyor Lyndon na maging bahagi sa pinapatayong hospital sa Santa Inez. Nakakabawas ng pag-alala kina nanay at tatay. Meron na silang matatakbuhan sa oras na magkasakit sila. Salamat sa kabutihan ni Senyor Lyndon. Sa pagbalik namin sa Guatavala, si Darlyn na naman ang lalayo. Nakakatuwa rin naman si Darlyn kahit hindi kami nagtatalik sa kama. Hindi ako nalulungkot tuwing kasama ko s'ya. Damit alam na kwento---lahat kalokohan, Hayss, hindi ko naman masisisi eh. Lumaki sya na sunod ang luho. Tsaka, ginamit nya ang kanyang talento na magkaroon ng sariling pera. Umaasa ako na eto lamang ang magagawa n'yang kalokohan sa sarili. Sana kung darating ang panahong makikilala nya ang lalaking magmamahal sa kanya, mamahalin sya at gagalangin. Hindi mahirap mahalin si Darlyn. Kahit taklesa sa pananalita alam kong pang-aasar lang n'ya 'yon. Hindi ko nga alam kung anong mangyayari pag tapos na ang lahat. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanila..lalong lalo na kay Darlyn. Siguro sa Guatavala narin ako maghahanap ng trabaho, at doon ako titira sa bahay namin sa likod ng bakuran ng mga Goya. Sanay na ako sa lugar na 'yon, tsaka di dapat ako umasa na makakapasok agad sa Kompanya ng ama ni Ellan. Nakakahiya kung wala akong alam.

-----------------------------------------------------------------

Habang nagmamaneho si Elon, pinihit nya ang stereo. Nilingon nya ang ama ni Darlyn. Natutulog ang ama ng dalaga. Napangiti si Elon..

" Love plays cruel game

I can't believe she's found another

To love her..

Does she miss me?

Sometime I just can't help but wonder..

If I could stop the hands of time

Then I'd know she'd always be forever mine

Heart of mine.."

Tahimik nakikinig si Elon sa awitin sa radyo. Bigla nalang napapaisip sya kay Darlyn.

"Oo nga, paano kung isang araw makita ko s'yang may kasamang iba? Maaalala kaya nya ako? Iiwasan kaya n'ya ako? Wala akong balak na ipagkalat ko na ako ang nakauna sa kanya. Kaya nga nya ako pinili dahil nagtiwala sya sa akin. 'Yon ang dahilan kaya matatapos ko ang pag-aaral ko."

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon