Chap. 14

998 167 55
                                    

DARLYN'S POV

"No strings attached." Ang sabi ni Elon sa akin. Alam ko namang nililinaw lang nya ang nangyayari sa amin ngayon. Okay lang naman sa akin eh. Syempre, mag-iingat ako. Ayaw ko ring ipahamak ang sarili ko sa kanya. Tsaka isa pa, this is what I want. And it happened unexpectedly. Hindi ko naman talaga ito inaasahan kay Elon. Lalo na't nakikita kong matibay ang paninindigan nya sa sarili nya na di nya kayang gawin sa akin ito. Pero bakit nagbago yata ng biglaan? Mmmmm..natauhan siguro. Oo nga naman, para akong parausan nya. Ako naman, mag-i-enjoy sa mga gagawin namin. Di ko dapat hayaang mahulog ako sa kanya. Mahirap na dahil ako ang nag-alok. Nauunawaan ko naman na ayaw n'yang mapapasubo.

"Did you enjoy it?" Tanong nya sa akin. Napangiti lang ako. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Oo masakit at mahapdi parin ang nararamdaman ko sa aking katawan pero kaya kong tiisin. Ginusto ko eh, at di naman ako nagsisisi.

"Oo." Sagot ko. Minsan pa, hinagkan nya ako sa labi. Ramdam ko ang mabagal ng pagkagat nya sa aking labi. Nakakaadik pala kapag hinahalikan ka sa labi. Para bang gustong gusto mo na h'wag lumayo ang labi sa 'yo. Ewan ko, gustong gusto ko marinig kay Elon na napapaungol sya kapag sumasabay ako. Ang sarap pakinggan sa tenga.

Napatigil kami ng halikan.

"It's time to go Darling, tapos na ang moment natin. Hahanapin na tayo ni Nanay Adeng." Sabi nya sa akin sabay tayo. Inabot ko sa kanya ang aking mga kamay.

"Sayang 'yong bayad mo kanina. Matulog nalang kaya tayo dito? Akong bahala kay Yaya." Sabi ko. Pero ang totoo gustong gusto ko pang may maulit muli sa amin.

Kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Yaya. Tahimik lamang si Elon na nahiga sa aking tabi.

"Yaya, nandito ako sa Hotel matutulog. Opo, nasa kabilang silid lang po si Elon. Bukas na po ako uuwi. Pagod lang po talaga ako. Good night." Paalam ko. Nakita ko na napatingin si Elon sa akin. Tapos ngumiti ng malapad na halos mawala ang kanyang mga mata.

"Ba't ka napangiti?" Tanong ko. Kinurot nya ang tungki ng aking ilong.

"Ang galing mong magsinungaling. Siguro madalas mong ginagawa 'yan kay Nanay Adeng ano? Darling, h'wag mong gagawin 'yan. Tsk. Paano kung may mangyari sa 'yo? E di si Nanay Adeng ang kawawa sa pag-aalala." Sabi ni Elon sa akin. Concern ba talaga sya sa akin? O parte lang ito ng pagiging praktikal nya. 'Yong tipong pakitang tao lang ang pagiging concern nya sa akin.

"Hindi 'no." Sabi ko. Nahiga ako sa sarili kong unan. Pero hinila nya ang unan ko at nakisiksik.

"Hoy, Elon may sariling unan ka." Sabi ko.

"And so? hindi ba pwedeng makihati sa unan mo?" Tanong nya sa akin. Ewan ko at parang kinikilig ako sa sinabi nya. Bwisit! Ang galing mandali ng mokong na 'to. Tumalikod ako kanya. Matutulog na ako. Pero naramdaman ko nalang ang paghinga nya sa likuran ko. Naka-spoon position kaming dalawa. At ramdam ko na bumubundol sa aking likuran ang kanyang sandata. OMG! Pakiramdam ko ang tigas parin. Parang handang sumalakay kahit anong oras. Maya-maya naman naramdaman ko ang pag-amoy ni Elon sa akin buhok.

"You smell so good, Darling." Bulong nya sa akin. Bwisit! Tumatayo ang balahibo ko. Tapos naramdaman ko ang paghalos nya sa aking braso. Kasabay ng pagdampi ng labi nya sa aking balikat.

"Sweet dreams, Darling. " Sabi nya..at kusa akong napangiti. Hanggang sa bumigay na ang aking mga mata.

Madaling araw...

Napadilat ako ng aking mga mata nang maramdaman kong may lumalamas sa aking dibdib.

"Elon.."

"Mmmmm..umaga na. Bumangon na tayo at umalis. Hindi pa gising sina Nanay Adeng. Ayaw kong makita nilang parang pagod na pagod ka..hindi sa pagsasayaw kundi sa nangyari sa ating dalawa." Sabi ni Elon.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon