Chap. 25

839 167 76
                                    

AN : sUper haba..walang edit. Nakakatamad.

ELON'S POV

Nakukonsensya ako sa mga nangyayari kay Darlyn. Hindi ako mapakali magmula pa kanina bago sinimulan ang seremonya ng kasal namin ni Ellan. Lumilipad ang isipan ko kay Darlyn; pilitin ko mang isantabi ay di ko magawa. Lalo pa akong nangamba matapos isinalaysay ni Tatay Pedring ang lihim ng ama ni Darlyn. Pakiramdam ko sumabog ang puso ko nang malaman kong kapatid nga ni Darlyn si Ellan.

Ayaw kong tanggapin ang katotohanan. Dalawang babaeng magkadugo ang nagawa kong sipingan. Habang buhay namin itatagong lihim ito. Ayaw kong mabulgar dahil magiging malaking kasalanan ito kay Ellan at sa pamilya ni Darlyn.  

Magiging mahirap sa akin ang kumilos upang makalapit sa kay Darlyn. Batid kong pipigilan ni Darlyn ang sarili na ilihim din ang lahat. Alam kong hindi magagawa ni Darlyn na ibunyag ang nagawa namin gayung iisang bahay kaming magsasama. Alam kong ayaw n'yang masaktan si Ellan o ang kanyang ama.

ELLAN'S POV

Kanina ko pa napapansin na balisa si Elon sa mga nangyayari kay Darlyn. Argh! I never expected that she's my sister. Hindi ko rin inakala na dito pala namamasukan si Elon sa pamamahay ng aking ama. Pero napapaisip ako kung bakit matindi ang pag-iyak ni Darlyn kanina nang dumating sa kasal namin ni Elon?

Ewan ko ba at may kaba akong naramdaman. Kakaiba ang dating ng mga titig ng mga katulong dito sa bahay na ito sa akin. 

Ayaw kong mag-isip ng kahit anong masama laban kay Darlyn. Kung nasasaktan sya na malamang kapatid nya ako sa labas, siguro madaling unawain ang nakaraan ng aming mga magulang. Wala kaming mga kasalanan. Pinagsisihan naman ni Papa ang mga pagkukulang nya sa amin ng aking ina. Samantalang busog na busog ang totoong pamilya nya ng pagmamahal at atensyon. Hindi kami nagreklamo sa lahat ng pagkukulang ni Papa. Eto lang naman ang hinihintay namin ni Mama, ang maging bahagi ng pamilyang ito. Dahil kahit baliktarin ang mundo isa parin akong Goya at may karapatan sa lahat lahat na meron si Papa. Ni hindi ako nagreklamo sa yaman na mamanahin ko. Ibinukod nila ako. Masakit 'yon para sa akin. Pero di bale na, nais ko lamang maiwasto ang kalagayan ni Mama. Wala na ang ina nina Darlyn, karapatan ni Mama na ayusin ang pangalan naming dalawa. Hindi ako papayag na di kikilos si Papa upang di maikasal ng legal si Mama sa kanya.

JEROME'S POV

Hindi ako napapakali kay Darlyn. Kakaiba ang dating ng kanyang pag-iyak. Alam kong may mas matindi s'yang nararamdaman. Kung ano man 'yon sigurado akong may alam sina Yaya Adeng at Ate Susan.

Etong dalawang ito, kahit magkunwari sa harapan  ko; batid kong may pinagtatakpan sila. Kanina ko pa napapansin na parang natataranta si Yaya. Samantala si Ate Susan, parang basang sisiw. Pareho silang parang naiiyak. Hindi ko mawari kung dahil ba sa natuklasan nila na may kapatid kami sa labas o talagang nag-aalala sila kay Darlyn. I need to stay in this house. Malalaman at malalaman ko rin kung ano talaga ang totoo.

BIAO'S POV

This is unbelievable. Ngayon ko lang napansin ang matinding iyak ni Darlyn. Dati rati kapag nagagalit s'ya o masama ang loob hindi naman sya sa alak bumubwelta ng todong todo. Kadalasan sa pagkain nya binuhos ang kanyang inis at galit. Noong iniiwan sya ni Papa at di namin mahagilap dahil kasama nina Ellan si Papa na pumunta ng ibang bansa, pinapadala nya dito sa bahay ang Chef ng resort. Magpapaluto sya ng mga masasarap na pagkain at madalas nyang sabihin " Magpapaka dambuhala ako para may panlaban sa stress." 

At kahit anong emosyon pa ang nararamdaman nya, mabilis din namang nawawala. Pero agaw pansin sa akin ang pagdating nya kanina sa kasalan. Kakaiba ang dating ng kanyang pananalita. Lalo pa't napapalipat ang kanyang tingin kay Elon. Ewan ko, at parang may sumuntok sa aking dibdib nang makita namin s'yang kausap ni Elon kanina. Hindi rin nalayo sa aking tingin nang makita kong hinila sya ni Elon palayo kay Papa kanina. Agad akong kumilos at sinundan sila sa labas. Nakita ko na sinampal ni Darlyn si Elon.  Sa anong dahilan ang sampal na 'yon? Hindi ko masabi sabi kina Kuya Jerome at Papa ang aking nakita. I think there is something wrong behind that action. I must stay in this house for a while. 

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon