Scene 02 Rebel Without A Cause

316 28 47
                                    

HINDI pa rin makalimutan ni Clyde ang napanood niyang pelikula noong mga nakaraang araw sa labas ng Rally's television shop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI pa rin makalimutan ni Clyde ang napanood niyang pelikula noong mga nakaraang araw sa labas ng Rally's television shop. Paborito kasi niya itong tambayan para magpalipas-oras habang inaantay ang shift niya sa trabaho sa Poppy Hill na isang thrift shop. Magkatabi lang kasi ang mga ito. The movie is all about lovers on a lam, and it really reminded her of Bonnie and Clyde. Ngunit hindi 'yon ang kumuha ng attention niya noong una, may similarity kasi ang bidang lalaki kay James Dean, ang pinakapaborito niyang actor. Kahit matagal nang patay ito, at hindi siya nabuhay noong fifties era, para sa kanya walang papantay sa charisma ng late actor. She loves old films so much, so it's only natural that she became a James Dean fan. Naputol lang naman ang panonood niya noon nang biglang patayin ng may-ari ang mga television dahil oras na daw ng inaabangan ng mga empleyado nitong teleserye sa hapon, oo, maraming telebisyon ang nakadisplay, sa totoo niyan, decoration 'yon at hindi display sabi sa kanya dati ng may-ari nang puriin niya ang mga lumang television na 'yon.

She sighed, "Sayang, isesearch ko nalang 'yon kung may oras pa ako." nakuha naman niya ang title nung movie kaya hindi na siya mahihirapan.

Kasalukuyan siyang nasa organization kung saan siya nagvovolunteer, at tumutulong siya ngayon sa pag-aayos ng mga upuan para sa mga bisita nila. Magkakaroon kasi ng seminar para sa mga adult na may edad 25 hanggang 40 tungkol sa pagprevent ng AIDS.

"Clyde, Clyde." pukaw sa kanya nung kasamahan niyang volunteer na si Mina, nilingon naman niya ito.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Nawawala ka na naman sa sarili mo. Tingnan mo ang mga upuan, hindi pantay ang pagkakaarrange. Tsk." iiling-iling na sabi ni Mina.

Tiningnan nga niya ang hanay ng mga upuan na inaarrange niya at napansin niyang hindi tuwid ang linya ng mga ito, "Sorry. Sorry, may iniisip lang." tapos ay binalikan niya ulit ang nasa unahan para ayusin, mabuti nalang at monoblock chairs ang mga ito kaya magaan.

"Nasaan na ba itong kapatid ni Dra. Pavia?" sabi ng vice chairman nila na si Sir Freddie habang paroon-parito sa paglalakad sa harap. Hindi tuloy nila maiwasang labin-limang volunteer na nasa hall na lingunin ito.

Napansin niya ang bungis-bungisan ng tatlo sa kasamahan nilang volunteers na naglalagay ng mga dekorasyon. Lumapit siya sa mga ito dahil gusto niya silang tulungan, tutal naman ay natapos niya ang pinapagawa sa kanya.

Pinulot niya ang mga nakakalat na papel na ginupit-gupit ng mga ito, napansin siguro siya ng tatlo kaya napabaling sila sa kanya.

"Aynaku girl, kami nang bahala diyan." ani Louie, pero mas gusto nitong Loisa ang tawag sa kanya.

"Okay." she answered, in her usual gentle voice. Pinulot pa rin niya ang mga kalat dahilan para mapabuntong-hininga nalang ang tatlo.

Higit anim na buwan na rin siya sa organization kaya medyo nasanay na rin sila sa ugali niya na parang wala sa sarili minsan lalo na kapag ganitong ang rami niyang iniisip. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang pelikula, idagdag pa ang problema niya dun sa isa niyang kagrupo sa project nila sa visual design.

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon