"AH! He followed me." usal ni Clyde nang makita ang notification niya sa twitter na "beau requested to follow you". Nakaprivate kasi ang account niya dahilan para hindi siya mafollow basta-basta.
"Sino? Sino?" masiglang tanong ng bestfriend niyang si Laura. Bilib rin siya rito na kahit mahina ang pagkakasabi niya ay narinig pa rin siya nito kahit nakaupo ito sa tabi ng bintana habang nagbabasa at siya naman ay nasa study table at gumagamit ng laptop.
Kaibigan na niya si Laura simula high school, kaya sobrang tuwa nila noon nang malaman nilang sa iisang lugar sila mag-aaral for college. She looks so cool and chic. Her long bob cut hair perfectly framed her small face. And with her flawless skin, she can pass as a model for some beauty commercials. Nakadagdag rin siguro sa cool image niya ang pagiging miyembro nito ng band bilang isang bass guitarist at minsan ay tumutugtog sila sa mga bar. She always thought that people in a band are cool.
Kasalukuyan silang nasa kwarto ni Clyde sa boarding house na tinitirhan nila na pag-aari ng Tita Becky niya, nanay ni Holly at kapatid ng papa niya. Her mom passed away when she was ten years old. Ang papa naman niya ay isang OFW ngayon sa New York, ayaw naman niyang mag-aral abroad kaya iniwan siya sa pangangalaga ng Tita Becky niya nang tumuntong siya ng college sa approval ng lolo at lola niya sa Cebu na nag-alaga sa kanya nang mag-abroad ang papa niya.
"Nothing." she said shyly.
Naramdaman niya ang paglapit ni Laura sa tabi niya, "Sino nga?" pangungulit pa rin nito at nakitingin na rin sa laptop.
"Beaumont Pavia." she shrugged.
"Ay, 'day!" tili ng kaibigan niya gamit ang Bisaya endearment nito sa kanya. Binuksan na pala nito ang account ni Beau, "Ito nga, ito nga 'yong account niya!"
Tinanong siya ng kaibigan niya kung kilala ba siya ni Beau kaya ikinuwento nalang niya rito ang tungkol sa mga pinaggagawa ni Beau noong mga nakaraang araw at ang daring niyang kaibigan ay kinikunsinti naman siyang patulan ito.
Tiningnan niya ang account nito at marami ngang followers ang binata, well atleast he has 9.5K followers kompara naman sa 114 followers niya, "He's quite...famous though."
Napatingin siya sa icon nito na larawan ng binata at may dalang aso. As expected, he looks dashing in the picture with his wide smile. His username is @beaupavia and as she read hia bio and it says, they call me boo, so she couldn't help but laugh about, "He's quite...vain."
"Grabe ka 'te! Siya pa mismo ang fumallow sa'yo!" nagdadramang saad ng kaibigan, "Samantalang hindi man lang niya ako mafollow back. Aguuy..."
She chuckled because her bestfriend talks loudly like the usual. "Kilala mo siya? Ganun ba siya kakilala sa school niyo?" hindi niya naiwasang itanong.
"Duh! Hindi lang sa school namin siya sikat," Laura also attends at Ignasius University, "...ang pagkakaalam ko kilala siya sa buong Greco suburbia!"
BINABASA MO ANG
when everything feels like the movies
General Fiction【ON GOING】Clyde Molina is not your typical millennial girl. Imbes kasi na magpakalunod siya na makarami ng likes sa social media ay mas gugustuhin niyang makarami siya ng mahahanap at mapapanood na old and classic films. Nang dahil naman sa kanyang...