Scene 18 The Wild Bunch

140 17 37
                                    

"I'LL BE RIGHT THERE!" sigaw ni Beau nang marinig niya ang doorbell habang inaayos ang snacks nila ni Clyde

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I'LL BE RIGHT THERE!" sigaw ni Beau nang marinig niya ang doorbell habang inaayos ang snacks nila ni Clyde. Pinapakain rin niya sa mga oras na 'yon ang aso nila, "Stay here boy!" utos niya sa golden retriever na si Linnaeus.

Naglakad na siya papunta sa pintuan upang pagbuksan si Clyde. Nang mapadaan siya sa salamin sa living area ay inayos niya muna ang buhok niya ng hindi niya namamalayan, pagkatapos ay nagpatuloy na papunta sa pintuan at hindi na siya nagdalawang isip na buksan ito.

He mustered a flashy all teeth smile, "Welcome Clyde--" nawala ang ngiti niya nang makita na hindi nag-iisa si Clyde, "What the hell are the four of you doing here?!"

Sa likuran ng dalaga ay sina Steve na akala mo masisira ang panga nito sa lapad ng ngiti, si Laura na nakapameywang at tinitingnan siya ng masama, si Scarlett na nakahalukipkip habang nakataas ang isang kilay, at si Phineas na abala sa paglilinis ng eyeglasses. Then he looked at Clyde who's all smile as if bringing these four with her is a good thing, then back to the uninvited four, "Who invited you here?"

"Sinabihan kami ni Clyde." sagot ni Laura.

Tumingin siya kay Steve, "And you?"

"Sinabihan ako nina Laura at Scarlett."

Then to Phineas, "At ikaw?"

"I just wanted to be with Scarlett."

"Geez, this is not a dating place." usal nalang niya sa kacorny-han ng magnobyo.

"Let me guess, wala dito sina Tito Attorney at Ate Doktora sa bahay 'no? Such a clichè move." it's Steve in a mischeivous tone.

"Hanep ka rin, Pavia. Here I am thinking na mapagkakatiwalaan kita kay Clyde." dagdag ni Laura.

Nagkrus ang kilay niya dahil alam niyang pinag-iisipan siya ng mga ito ng masama, "What the--"

"Kung akala mo mauuto mo si Clyde, kami hindi." Scarlett interjected.

"Smooth scheme, Pavia. So smooth." it came from Phineas, of all people.

Sabay-sabay na napadako ang tingin nila kay Clyde at inaantay ang komento nito at tulad ng inaasahan ay ngumiti lang ito at nagsabing, "I love your house. Very Victorian."

Sabay-sabay silang napabuntong-hininga, ang apat dahil sa pagiging clueless ni Clyde at siya dahil buti na lang ay hindi siya nito pinag-isipan ng masama. Dahil wala naman talaga siyang masamang gagawin sa dalaga.

As if I could take advantage of her, hindi ko nga mahawakan ng matagal ang kamay niya sa sobrang kaba ko. At isa pa, ang ate at ang papa niya ay nasa mga kanya-kanyang kwarto ngayon at natutulog. Alas sais pa kasi ng umaga at ang alam niya kapag nanonood ng Harry Potter series ay kakainin 'non ang buong araw mo.

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon