Scene 38 Dead Poets Society

94 3 0
                                    

FOR STEVE, meeting Holly today was never a part of his plan but it's his choice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FOR STEVE, meeting Holly today was never a part of his plan but it's his choice. Pwede naman niyang tanggihan si Ms. Quiambao noong tinanong siya nito kung gusto pa rin ba niyang maging parte ng Literature Club, pero pinili niyang pabayaan na lang ang sinabi nito. Pinili niyang paniwalain ang sarili niyang wala siyang magawa nang mga sandaling 'yon.

"Hi, Holly. Long time no see."

Hindi, hindi. Matagal na kayong nagkita.

Napailing si Steve habang nag-eensayo sa mga salitang bibitawan niya sa unang beses na pag-uusap nila ni Holly. Nakatayo siya ngayon sa labas ng saradong Room 124 at binubuo ang lakas ng loob niyang kausapin ito. Ang bilis pa nga ng kabog ng dibdib niya at pinagpapawisan siya ng malamig.

"Holly, kumusta ka na? I'm sorry I was such a douche--"

Bumukas bigla ang pintuan at tumambad sa harapan niya ang babaeng gustong-gusto niyang makita pero kinatatakutan niyang makaharap.

Holy shit.

"Hi, Steve. Long time no see." nakangiti pang bati ni Holly na akala mo ay wala lang rito ang paghaharap nila. Ah, how he missed her smile.

"H-Holly!" napangiti siya hindi dahil kailangan kundi dahil sa wakas ay nabanggit na rin niya ang pangalan ng dalaga pagkalipas ng maraming taon.

"So? Kumusta ka--"

"Natanggap mo ba 'yong mga application form namin?"

Teka, kumusta ba ang sinabi niya? Hindi pa ba huli ang lahat para sagutin ko ang tanong niya? If only he could kick his own ass right now. Pero pinagpapawisan na talaga siya at nanginginig rin ang mga tuhod niya kaya gusto na niyang umalis sa harapan nito.

Nabura ang mga ngiti sa mukha ng dalaga, "Oo, natanggap ko na..." ngumiti na naman ito pero hindi na ito tulad kanina na sinsero at puno ng buhay, "So, where are the others?" tapos luminga-linga ito sa paligid.

Huli na ang lahat...

"H-Hindi muna makakapunta sina Beaumont at Thomas...pero si Nicholas susunod rin 'yon."

Hindi sinabi nina Beau at Tom kung saan sila pupunta, pero siguradong may date ang mga 'yon. Samantalang si Nick ay gagawin muna ang inuutos rito ng class adviser nila tungkol sa classroom decoration. Nakakainis minsan ang pagiging responsable nito. He's a 'yes' person, and not all the time it's a good thing.

Nang banggitin niya sa mga kaibigan niya na wala na siyang nagawa n'ong sinabi ng students' affairs officer na magiging parte na sila ng Literature Club sa pangunguna ng nagngangalang Holly Oreña ay labis-labis ang inis nila, lalo na nina Tom at Beau na nagbanta pang kakalimutan na nila na kaibigan siya ng mga ito. But of course, they don't mean that. Si Nick naman ay hindi na nagkomento pero alam niyang sa utak nito ay inubos na nitong lahat ang masasamang salita para sa kanya.

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon