KATATAPOS lang panoorin ni Clyde kasama sina Laura at Scarlett ang Fifty First Dates sa kwarto niya. Wala sana siyang planong manood ng umagang iyon dahil gusto niyang ipagpatuloy ang tulog niya pero nagulat siya nang yayain siya ng dalawang boardmates niya. Actually hindi niya rin ito naenjoy dahil bawat minuto ay sinasabi ni Laura ang susunod na mangyayari, nagkabangayan pa nga sina Scarlett at Laura dahil doon. Walang issue 'yon kay Clyde dahil sanay na siya sa pagiging spoiler ni Laura pero inaamin niya na minsan ay hindi niya ito niyaya manood kapag sa tingin niya ay napakainteresting ng isang movie.
"Haynaku Scarlett, napanood mo na 'yan ng ilang beses kaya huwag ka nang mag-inarte, okay?" sabi pa ni Laura.
"Hindi ako nag-iinarte. Naisip ko lang na baka nabored si Clyde dahil sa pagiging spoiler mo." sagot ni Scarlett at sabay silang napatingin sa kanya.
"Talaga Clyde?" Laura pouted.
Tumango siya bilang sagot dahil totoo naman ang sinabi ni Scarlett.
"Oh my gosh! I'm sorry. Ngayon ko lang narealize." tatawa-tawang saad ni Laura.
Sasagot sana siya na ayos lang 'yon pero biglang pumasok sa kwarto niya ang Tita Becky niya na may kausap sa smartphone nito, "Gusto kang kausapin ng papa mo."
Pakiramdam ni Clyde ay nagliwanag bigla ang paligid niya nang sabihin iyon ng tita niya. Namimiss na niya ang Papa niya na minsan lang niyang nakakausap dahil siguro sa sobrang busy ng trabaho nito bilang utility personnel sa isang broadway theater sa New York, idagdag pa ang time difference ng Pilipinas at America.
Inilapat niya agad sa tainga niya ang smartphone nang iabot iyon ng Tita Becky niya, "Papa! Kumusta ka na? Miss na miss ko na po kayo. Inaalagaan niyo ba ang sarili niyo diyan? How about...'yong kinakain mo--"
"Clyde...Clyde. Isa-isa lang okay?"
Natutop niya ang bibig niya. Napakadaldal niya kapag kausap niya ang papa niya siguro dahil sa daming namiss nilang conversation ay gusto niyang lubus-lubusin ang bawat segundo. It's been 4 years since they last saw each other, and that was during Holly's funeral. "Sorry."
"I miss you too, baby girl. Okay ka lang ba diyan? Inaalagaan ka ba ng Tita Becky mo? Nakapagbreakfast ka na ba?"
Napahagikhik siya dahil parang ginaya lang ng papa niya ang sinabi niya. "I'm fine and I will be."
"I have good news for you."
She gaped, "Uuwi ka po ba?"
BINABASA MO ANG
when everything feels like the movies
General Fiction【ON GOING】Clyde Molina is not your typical millennial girl. Imbes kasi na magpakalunod siya na makarami ng likes sa social media ay mas gugustuhin niyang makarami siya ng mahahanap at mapapanood na old and classic films. Nang dahil naman sa kanyang...