Scene 24 Dazed and Confused

138 8 25
                                    

IF JEALOUSY is as easy as how it was illustrated in scientific experiments then Beau will never be bothered with what he's seeing right now

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

IF JEALOUSY is as easy as how it was illustrated in scientific experiments then Beau will never be bothered with what he's seeing right now. Even if how many times he reminded himself that jealousy is just a petty activity in the cingulate cortex of the brain --a part of the brain which is associated to the social pain in human, he doesn't find it enjoying how Steve shows the pictures of Clyde and Tom together. That crushing sensation still lurks in his chest. Siguro kailangan pa rin talaga ng masusing pag-aaral ng mga biologist at psychologist kung gaano ka-complicated intindihin ng feelings ng tao. Yes, even if it means finding the holy grail!

"Hoy! So, sa tingin mo totoo 'tong pictures na pinang-send ngayon ni Phineas?" untag ni Steve habang hawak ang smartphone nito at ibinabalandra sa kanya ang mga pictures nina Tom at Clyde na magkaholding hands na naglalakad sa hallway at magkasamang kumakain sa canteen ng school nila.

"Malay ko. Huwag mo nga akong abalahin. Kita mong busy ako sa ginagawa ko." kunwari'y chill na sagot niya.

Nagsusulat siya sa notebook niya para sa mga kailangan pa nilang idagdag sa RRL ng synthesis paper nila ng mga kagrupo niya. Pero ang totoo niyan ay gusto na niyang tirisin ang katabi niya sa pagiging insensitive.

Nasa main library sila ngayon ng kaibigan niya, siya para asikasuhin ang thesis niya, si Steve para magpahangin dahil ibang klase daw ang lamig ng aircon sa library.

Naramdaman niya ang pagsilip ni Steve sa notebook, "Wow! Akala ko ba tungkol sa bacteria ang research niyo? Tungkol pala sa human emotion na jealousy ang topic niyo? Hindi ba dapat para sa mga psychology major 'yan?"

"Huh?" napabasa tuloy siya sa mga sinusulat niya-- mali, sa scribbles niya. Paulit-ulit kasi na nakasulat ang phrase na 'screw jealousy' na akala mo ay parang Black Ink punishment lang ni Dolores Umbridge kay Harry Potter habang nagsusulat ng 'I must not tell lies.'.

Tinakpan niya ang notebook, "Oo, masyadong matalino ang kaibigan mo kaya nag-out-of-the-box ang research ko."

"Okay. Hindi mo kailangang magyabang."

"So, saan nakuha ni Phineas ang mga pictures? Sigurado ba siyang updated 'yan? Baka naman noong magkasintahan pa sila ang mga pictures na 'yan." kanina pa siya kating-kating itanong 'yon na sa wakas ay nasabi na niya.

"Sa facebook page daw ng GSU na GSU Now, alam mo 'yon? Lahat ng mga rumors na nagcicirculate sa university nila ay doon pinopost, parang Ignasius Buzz lang."

"Rumor lang pala--"

"Pero sabi sa akin ni Phineas na totoo daw na magkasama sina Tom at Clyde dahil nandoon daw siya sa cafeteria nila at sumabay sa dalawa para maglunch."

"Edi, congrats kay Tom."

"Huh?"

"Wala. Ang akin lang, baka matrigger na naman ang anxiety ni Clyde kapag kasama niyang mag-isa si Tom."

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon