Scene 29 Chances Are

106 6 0
                                    

SA DESPERASYON ni Clyde makahanap ng mga kasagutan, sinubukan niyang hanapin si Tom sa school nila ng ilang araw para tanungin kung totoo ba ang mga akala niya sa nakaraan nilang magkakaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SA DESPERASYON ni Clyde makahanap ng mga kasagutan, sinubukan niyang hanapin si Tom sa school nila ng ilang araw para tanungin kung totoo ba ang mga akala niya sa nakaraan nilang magkakaibigan. Hindi naman sa wala siyang tiwalang kausapin si Beau tungkol rito pero wala siyang tiwala sa sarili niya. Baka kasi maduwag lang siya kapag hinarap niya ito dahil masakit pa rin sa kanya ang rejection nito.

But I still wanted to see him. Hindi na rin kasi sa kanya nagpaparamdam si Beau simula ng nangyaring iyon sa Claridel Hotel. Napailing siya, kailangan nga niya palang magconcentrate tungkol sa list ni Holly.

"Molina!"

Dumako ang tingin niya sa dalawang babae na tumabi sa kanya, kilala niya sila bilang mga kaklase niya pero hindi naman niya sila close. "H-Hello."

"May kasama ka bang maglunch?" tanong ng kaklase niya na Ronaldo ata ang apilyedo.

Umiling siya.

"Sumabay ka na sa amin!"

"O-Okay?"

Nagtatakang sumunod nalang siya sa dalawa niyang mga kaklase papunta sa cafeteria. Gusto niyang magsuspetsya dahil napaka-unsual kasi na may mag-invite sa kanya for lunch sa school na 'to. Pero mukha naman silang sincere sa pang-iimbita, nakangiti pa nga sila, kaya pumayag siya.

"Ang sarap talaga ng sandwich dito!" natutuwang sambit 'nong naka-eyeglasses na si Ms. Peralejo nang makaorder at makaupo na sila.

"Naririndi na akong marinig ang mga salitang 'yan," pagkatapos ay binalingan siya ni Ms. Ronaldo, "Ikaw? Napapansin ko, palaging sandwich rin ang inoorder mo dito sa canteen."

"Ah, bakit alam mo?"

Ms. Ronaldo smiled genuinely, "Matagal ka na naming inoobserbahan nitong si Chloe. Gusto ka kasi naming maging kaibigan, kaso grabe naman kasi ang Great Wall of Clyde mo makaharang. Naiintimidate kami."

She didn't think about that, "Sorry. Hindi ko intensyong iintimidate kayo."

"But don't worry," sansala ni Ms. Peralejo na Chloe pala ang pangalan, "Atleast, Mia and I proved ourselves wrong noong ipinagtanggol mo si Beau sa harapan namin. Ang cool mo kaya 'non!"

"Th-Thank you.". Hindi niya alam na ganun pala ang tingin ng iba sa ginawa niya.

"So, I hope we can be friends from now on." sinserong saad ni Mia.

"Of course--" napatingin siya sa lalaking nakapila sa donut shop ng canteen, "Tom..."

"Ayos ka lang?" pag-aalala ni Chloe.

"Ah. Excuse me for a while." pagkatapos ay walang pakundangang nilapitan niya si Tom, buti nalang at hindi siya nakita agad ng binata dahil pakiramdam niya tatakbuhan siya nito, "Tom."

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon