Scene 43 Pulp Fiction

106 4 0
                                    

"CAN WE TALK?" seryosong tanong ni Beau kay Holly nang mabungaran niya itong inaayos ang mga libro sa bookshelf ng leisure room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"CAN WE TALK?" seryosong tanong ni Beau kay Holly nang mabungaran niya itong inaayos ang mga libro sa bookshelf ng leisure room. He kept his distance and stood at the door, because beside from the fact that he hated her, he also wanted to avoid the possibility of catching the virus. He's uneducated about that disease so it's better to prevent it.

Ito ang agenda niya pagsapit ng Lunes, ang komprontahin si Holly para sa kaibigan niya.

"T-Tungkol saan?" lumapit ang dalaga sa mga gamit sa table at inayos iyon.

Luminga-linga siya sa paligid dahil baka may makarinig sa kanila, "Bakit ka nagsinungaling kay Nick?"

Napakunot lang ang noo ng dalaga na tila walang ka-ideya-ideya sa tinutukoy ni Beau.

"Alam mong may AIDS ka pero hinayaan mong may mangyari sa inyo ni Nick."

"Huh?" halos lumawa na ang mata nito sa pagkagulat, "Anong...pinagsasabi mo? Hepatitis ang sakit ko. Hindi AIDS."

"Stop lying! Huling-huli ka na."

"Why would I lie about my condition?"

"I don't know. Dahil nagpapanggap ka lang na inosente sa harapan ni Nick para magustuhan niya? Pero ang totoo niyan, tulad ka rin ng ibang babae na malalandi at pumapatol kung kani-kanino. Maybe that's why you got AIDS."

Her eyes are glistening as she remained speechless. She's a cry-baby after all, but Beau will never falter with that, he's not Nick.

"Ano? Natauhan ka na? Sasabihin mo na ba kay Nick--"

"Sinong may sabing may AIDS ako?" sinusubukan niyang magsalita ng matatag kahit tumutulo na ang mga luha nito.

Tiningnan niya ito ng matalim bago kinuha ang bote ng gamot sa kanyang bag, "I stole this from you. At sa kabutihang palad nahanap ng ate ko, kung hindi, walang makakaalam na all this time may AIDS ka pala." suminghal siya, "Your parents might have been so stupid to send you to school. Dapat naka-isolate ka lang. Naka-quarantine. Dahil wala kang pinag-kaiba sa zombie."

"C-Can I have my medicine back?" nagpupunas na ito ng luha.

"Oh...with all honor." pero imbes na iabot niya ito rito ay itinapon niya lang ito sa mesa. He doesn't want to have a physical contact with her. Mahirap na, baka mahawaan siya.

"K-Kailangan ko nang umalis..." sabi pa ni Holly habang nagmamadaling ilagay ang mga gamit nito sa kanyang bag. Pagkatapos n'on ay tulala at naluluhang lumabas ito ng leisure room.

Mission accomplished.

Did he?

Dahil ilang minuto lang ay nakarinig siya ng mga yabag ng paa na papunta sa leisure room.

May nakalimutan ba si Holly? Wala naman kasing club activity kapag tanghali kaya imposibleng mga clubmates nila ang parating. Pero nagkrus ang mga kilay niya nang masilip niya sa bintana na si Nick ang paparating. Madilim ang mukha nito at ang totoo niyan, biglang kinilabutan si Beau.

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon