ANGER is a stranger in Steve's dictionary. Sa tingin niya, hindi lahat ng bagay ay nararapat para sa galit niya. Magagalit lang siya kapag may kinalaman sa mga pinakaimportante sa kanya. Tulad kapag hinuhusgahan siya, kapag inaapi ang mga kaibigan niya, kapag pinagsasalitaan ng masama ang pamilya, at isa na rin doon kapag may umaaway kay Holly (noong mga bata pa sila at maaaring hanggang ngayon). Hindi naman sa lahat ng pagkakataon pwede siyang magalit ng walang dahilan. If you're worth his anger, it means you're a part of his small world. As simple as that.
Kaya naman biglang nanilim ang paningin niya nang marinig niya ang dalawang kaklase niyang nakaupo sa kanyang harapan at pinag-uusapan ang kababata niya. Hindi siya makatuon sa sinasabi ng kanilang guro sa harapan. He hates this feeling, as if a dark poisonous liquid is slowly coating his heart.
"Akalain mo 'yon! Kung sino pang hindi makabasag pinggan sila pa pala ang may kababalaghang ginagawa." tatawa pang saad ng kaklase niyang si Wendy, "Kaya pala natural na nakakairita ang Holly na 'yon."
"I know right, sayang si Nicholas. Cute pa naman siya pero ang babaeng 'yon ang pinatulan niya." dugtong pa ni Shelby.
"Anong pinag-uusapan niyo?" kaswal na tanong niya na sinamahan pa niya ng pekeng ngiti pero ang totoo niyan, kating-kati ang kamay niyang pag-umpugin ang dalawa. Pasalamat sila at mga babae sila.
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mukha ng dalawa na parang nagsasabing, kanina ka pa ba nakikinig sa usapan namin?
"Naku, Steve. Sorry, huwag mo kaming isumbong kay Nicholas." sabi pa sa kanya ng nagngangalang Wendy.
Napaangat lang ang isang kilay niya sa sinabi ng babae. Anong akala nila sa akin? Tsismoso? "Bakit ko naman kayo isusumbong? Ano bang meron?"
Nagkatinginan pa ang dalawa pagkatapos ay sumagot na naman si Wendy, "Hindi mo ba narinig? Naghiwalay na sina Holly at Nick."
Biglang natuwa ang puso niya sa narinig niya. Masama na ba siyang kaibigan? Alam niyang gustong-gusto ni Nick si Holly pero gan'on rin naman siya, ah. His a hypocrite if he said he's sad about it. But he's worried for Nick and Holly on how their break-up happened. After all, he still has a heart.
"...dahil may STD si Holly."
"Excuse me?" napukaw siya sa idinugtong ni Shelby sa sinabi ni Wendy. Baka hindi lang siya nakapaglinis ng maayos sa tainga.
"Hindi mo ba nabasa 'yong kumakalat na tsismis sa Facebook tungkol kay Holly Oreña?"
Napailing siya, "Hindi ako nagbabasa ng tsismis sa Facebook. A-Ano bang meron?"
"Didn't I mention? May AIDS si Holly kaya sila naghiwalay ni Nick! Maglinis ka nga ng tainga mo!" naiiritang pag-uulit ni Shelby.
"P-Paanong nagkaroon ng STD si Holly? Sino namang nagpakalat niyan?" dahil malilintikan ito kung sino man 'yon.
BINABASA MO ANG
when everything feels like the movies
Genel Kurgu【ON GOING】Clyde Molina is not your typical millennial girl. Imbes kasi na magpakalunod siya na makarami ng likes sa social media ay mas gugustuhin niyang makarami siya ng mahahanap at mapapanood na old and classic films. Nang dahil naman sa kanyang...