Scene 10 The Public Enemy

160 21 20
                                    

NAIINIS sa sarili niya si Clyde habang palabas ng classroom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAIINIS sa sarili niya si Clyde habang palabas ng classroom. Katatapos lang ng klase nila sa isang film theory subject niya. Nagkaroon kasi ng oral recitation tungkol sa pananaw nila sa foreign film na Slumdog Millionaire at nanghinayang siya nang hindi niya masagot ito. Pagdating talaga sa modern films ay wala siyang maibigay na opinyon minsan.

"Miss Molina."

Nilingon niya ang tumawag sa kanya at hindi nga siya nagkamaling si Mrs. Perrera ito, ang professor niya sa subject nila na iyon.

Nilapitan niya ang ginang, "Yes, ma'am?"

She smiled, "Look, I know gustong-gusto mo ang classic films at ang mga films noong 80s at 90s but I think you have to explore more, Miss Molina."

"Yes, ma'am." alam niya ang ipinapahiwatig nito, gusto nitong sumubok rin siya sa panonood ng modern films.

Hindi naman kasi sa hindi siya nanonood ng mga napapanahong pelikula, pero kapag ginawa niya 'yon, iyon ay dahil nirecommend iyon ng professor nila na panoorin. Minsan naman ay dahil nababalitaan niyang maganda ang reviews roon ng mga film critique, lalo na kung gusto niya ang genre, at mas lalong pabor siya kung nominated sa Academy Awards ang isang movie. Pero mas pipiliin pa rin niyang manood ng mga movies noon kapag may oras siya.

"That way matutunan mo rin ang new techniques ng mga film makers. The film industry is evolving, Miss Molina. If you want to succeed in this field you have to learn how to adapt these changes."

"I understand, Ma'am Perrera."

"That's all."

Tumango nalang siya at sinundan ng tingin ang papaalis na guro.

"I guess I don't deserve an amplaya shake today."

Kinuha niya ang cellphone niya sa bag para tingnan ang oras pero bumulaga sa kanya ang text message mula sa unknown number at hindi na siya nag-atubiling basahin ito.

see you tomorrow, ay ang laman ng message.

Hindi na niya iyon pinansin dahil baka namali lang ng pindot ng number ang sender.

♡ ♡ ♡ ♡ ♡

"GOOD MORNING, Dra. Pavia!" masiglang bati ng mga kasamahan ni Clyde na volunteers sa bagong dating na doktora. Nasa conference hall sila ngayon at magkakaroon ng meeting tungkol sa benefit party na gaganapin sa last week ng October.

"Good morning." bati ni Dra. Pavia tapos bigla itong tumayo sa harap, "I have an announce--"

"Ate! Saan ko ba 'to ilalapag?"

Nanlaki ang mata ni Clyde nang makita ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Si Beau, na may dalang kahon na sa tingin niya ay kailangan ni Dra. Pavia para sa office niya. Kasabay nun ay ang bulung-bulungan na naman ng mga kasamahan niya na akala mo ay nasa palengke sila sa mga boses na umaalingawngaw sa conference hall ng headquarter.

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon