Scene 27 Double Indemnity

108 7 3
                                    

KAPAG IN LOVE ang tao nagsisimula 'yan  sa utak, hindi sa puso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KAPAG IN LOVE ang tao nagsisimula 'yan  sa utak, hindi sa puso. Paano? Ang utak kasi ang magpapadala ng signal sa adrenal glands para mag-secrete ng hormones na responsable sa atraksyon ng isang tao. Tulad ng  norepinephrine na dahilan kung bakit pakiramdam ng tao ay nanghihina ang mga tuhod nila kapag nakikita nila ang taong gusto nila. Kasama rin nito ang adrenaline at epinephrine na kapag dumaloy sa dugo ay biglang bibilis ang tibok ng puso ng isang tao. Bukod doon, sa utak rin nagmumula ang neurotransmitter na tinatawag na dopamine na nagdudulot ng kaligayahan, tutok na atensyon, at paghahanap sa taong mahal mo. Ito rin ang neurotransmitter na nag-aactivate kapag may goal kang gustong marating.

Kaya nga hindi rin seniseryoso ni Beau ang pakikipagrelasyon dahil kapag na-in love siya para lang siyangnagpupursige na makapasok sa dean's list o makapasa sa kung ano mang board exam na gusto niyang pasahan. Kailangan niyang paghirapan 'yon, pero sa dami ng gusto niyang makamit sa buhay, maisisingit niya pa ba 'yon? But with Clyde, yes. He's worth all his time.

Kapag nag-activate ang dopamine sa katawan ng isang, para na ring humihithit ito ng nicotine, heroin o kung ano pang ipinagbabawal na gamot dahil pakiramdam nila ay nasa alapaap sila at hahanaphanapin nila iyon. That's why the songs are right that love is addictive.

Ganung-ganun ang nararamdaman ni Beau kapag kasama niya si Clyde. Pakiramdam niya ay nakakalimutan niya ang problema niya at gusto lamang niyang mag-focus na makasama ito. He can't get enough of her, kaya naman kahit na ayaw niyang makitang magkasama sina Tom at Clyde ay mas ginusto pa rin niyang ihatid ang huli sa meeting place ng mga ito.

"'You ready?" usisa ni Beau sa kanina pang tahimik na si Clyde na nakaupo sa passenger seat.

"Not actually."

"Ayos ka lang?"

Umiling ito.

"It's not your fault you had a panic attack." nabanggit ni Clyde kanina na muntik na siyang magka-panic attack nang yayain siya ni Tom kaya ito pumayag na lamang.

Siguro kung siya ang sumama rito pauwi noong JIFM Festival ay hindi mangyayari ito. He should've been there for her. Hindi mababalisa si Clyde ng ganito na parang ano mang oras ay hahatulan ito ng kasalanang hindi naman niya ginawa.

Ipinara niya ang sasakyan nang makita niyang nasa tapat na sila ng The Farm Hub.

Tulala lang si Clyde habang nakatanaw sa malayo. Napansin rin niyang kanina pa ito umiiwas ng tingin sa kanya.

"Clyde, uulitin ko ang tanong ko, ayos ka lang?"

Sa wakas at nakuha na niya ang atensyon nito, "Huh? Dumating na pala tayo? A-Aalis na ako--"

"Clyde, Clyde..." pinigilan niya ang kamay ng dalaga na bubuksan na sana ang pintuan ng sasakyan, "May problema ka ba sa akin?" he swallowed when the intoxicating smell of roses lingered in his nostrils.

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon