The night of the party...
WITH BEAU'S girlfriend on his left arm, and a bottle of beer on his right hand, he sure is is living the moment tonight!
Nakaupo sila ngayon ni Adriana, ang nobya niya na hindi niya alam kung hanggang kailan, sa gilid ng pool. Nakapulupot pa ang braso ng babae sa kanya. Minsan nababagot na siya sa mga naging kasintahan niya nitong mga nakaraang taon.
He wanted a serious relationship, but with how his parents' relationship turned out, he knows it's a big risk. Bago niya maging girlfriend ang isang babae, sinisiguro muna niyang pareho ang intensyon nila ng babae na pampalipas oras lang ang lahat.
"Baby Boo, shumali tayo d'on...khina Tom." yaya pa ng babae habang pinauulanan siya ng halik sa leeg.
"Boring 'yan." pang-ilang bote na rin kaya niya ito ng beer? Who cares? Buti na lang at mataas ang alcohol tolerance niya.
"Cards againsht humanity...naglalaro sila...shina Tom." she's drunk.
He heard about that offensive game-- Card Against Humanity. It's a new game for the party beings in this planet. Kailangan mong dugtungan ang binabasa na tanong ng Card Czar sa black card mula sa white cards na nabunot mo. The more offensive and funnier your answer is, the better. Ang alam niya, kapag isa ka sa mga natalo sa bawat round, kailangan mong uminom ng alcoholic drink. Puwera na lang kung tanga ang nagpasimuno ng laro at walang consequence.
"Bakit hindi na lang tayo sumali d'on?" he asked flirtatiously while pointing the mouth of the bottle of beer to the people wildly dancing on the dance floor.
"Ayoko..." pagmamaktol ng babae. If he's in love with this girl, he'll find it cute the way she pouted her lips but no, he's annoyed. He hates girls who don't go on his favor.
"Did you just say no?" he asked with full disgust, "Pupunta tayo sa dance floor because I said so." mariing utos niya sa girlfriend niya na nagpatino sa huwisyo ng babae. Wala talaga siyang pasensya sa mga tulad nito.
I'll end this tomorrow, sabi ng isip niya na ang tinutukoy ang relasyon niya rito.
Napalingon siya sa grupo nina Tom na biglang naghiwayan. Nakaupo ang mga ito sa nakaikot na mga pool lounges. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang kasali sa laro sina Nick at ang nobya nitong si Holly. They're the type of people he least expected to join that game.
Hindi na siya nagulat kung pinatulan ni Nick si Holly Oreña. She's a model student --which makes her boring for Beau, just the perfect match for an overachiever like Nick.
Ano naman kayang masamang ihip ng hangin ang dumaan para sumali ang dalawa sa laro?
Oh no... Nick is one of the players who received the consequence! And he's drinking a fucking shot of gin!
BINABASA MO ANG
when everything feels like the movies
General Fiction【ON GOING】Clyde Molina is not your typical millennial girl. Imbes kasi na magpakalunod siya na makarami ng likes sa social media ay mas gugustuhin niyang makarami siya ng mahahanap at mapapanood na old and classic films. Nang dahil naman sa kanyang...