PROLOGUE

631 34 35
                                    

4 years ago...

"I CAN'T BELIEVE I'm doing this right now!" naiinis na sabi ni Beau kay Steve habang nagtatago sila sa isang puno. Nakatanaw sila sa nangyayaring libing ng controversial student na si Holly Oreña ng ng paaralan nilang St. Olga's Academy. Nasa isang memorial park sila ngayon kung saan ito nililibing, kahit hapon na ay hindi niya ramdam ang pagod ng pagtatago sa puno dahil buti nalang ay makulimlim ang panahon na para bang nakikiramay rin sa nangyari sa kay Holly. Pati ba naman kayo, Lord, kinokonsensya ako?

Sa tingin niya ay dumalo ang buong population ng school nila sa dami ng tao na naroon.

"Edi lumapit tayo 'don." biro ni Steve.

"Huwag ka ngang magpatawa, alam mong hindi tayo pwede 'don. Kahit sa huling hantungan man lang ni Holly irespeto natin siya."

"Okay, sorry. I'm just lighting up the mood, geez."

"Have you seen, Nick? Bakit hindi ko siya natatanaw sa mga taong naroon?"

Steve pulled out a chocolate bar from his pocket, "Nakakadrain ng energy ang ganitong eksena." he took a bite from the chocolate, "Kaya siguro hindi nagpunta sa Nick. Alam mo naman 'yon, ayaw ng drama."

"But he should be here kahit na hindi pwede, alam kong gagawa siya ng paraan-"

"Hey, you two!"

Napalingon sila ni Steve sa boses ni Nick while he's walking all by himself with the greenery backdrop, Where the hell is that bastard?

"Nasaan si Tom?" tanong agad niya.

Wala man lang ba siyang simpatya sa kinahantungan ni Holly?

Really, Beau? You're talking about sympathy? Baka guilt kamo, sabi ng kabilang isip niya.

"Nick, kailan ka pa nagpahaircut?" irrelevant na tanong ni Steve sa papalapit na si Nick. But it's true, he has a clean haircut this time and he looks polished wearing a slacks and a white polo, which is too far from their usual grungy look. Mukha tuloy silang mga holduper nito.

"I want to look presentable in front of Holly, atleast for the last time." sagot ni Nick kay Steve ignoring his question at blangko lang ang emosyon sa mukha nito. Great, galit pa rin ito sa kanya.

Nanatili lang sila ni Steve na nagtago sa puno at hinayaan ang kaibigan nilang pumunta sa funeral site since privilege naman niya 'yon. Hindi naman talaga sila bawal na pumunta sa libing ni Holly, si Nick lang ang mariing nagbawal sa kanila na huwag na huwag silang magpunta roon kung ayaw nilang malintikan sa kanya. Nick might be the most understanding among the four of them but he's a real devil when he's mad. And for now, he's mad with the two of them, him and Tom. Steve has nothing to do with Nick's anger, sinasamahan lang siya nito dahil ayon rito "that's what friends are for". Well, atleast sumunod sa usapan si Tom dahil hindi ito sumipot, na naisip niyang mas mabuti na rin pala dahil baka maupakan lang niya ito.

"Hindi ko talaga alam kung paano ako nadrag dito. Dapat nasa bahay ako ngayon at naglalaro ng Counter Strike o DOTA." reklamo ni Steve.

"You can go home Steve!" naiinis na sigaw niya.

"Kung pwede lang. Kaya lang kahit papaano kaibigan ko pa rin kayo kaya hindi ko kayo pwedeng hayaan mag-isa na magpakalunod sa anxieties niyo," finally naubos na rin nito ang chocolate bar at pasimpleng inihulog ang balat nito, "Tingnan mo ang mga grupo ng babaeng yon," tapos itinuro niya ang tatlong babae na nakatayo sa pinakalikuran ng nag-uumpukang tao, kung hindi siya nagkakamali ay schoolmate niya ang mga ito. "Naku, crocodile tears lang ang mga 'yan. Ang alam ko kasama sila sa nagpakalat tungkol sa condition ni Holly," umiling-iling na dagdag ni Steve, "Ibang klase rin talaga ang mga tao. Ang karamihan diyan wala namang pakialam kay Holly noong buhay pa," he sighed, "Sabi nga nila, maririnig ka lang ng mga tao kapag patay ka na."

when everything feels like the moviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon